STACEY’s P.O.V.
Kung kahapon ay inagahan ko ang pagpasok, ngayong araw naman ay mas lalo ko pang inagahan. Dadaan pa kasi ako sa Mall para bumili ng project na mamaya na namin ipapasa. Salamat na lang talaga kay Neil. Hindi ko alam kung bakit ba ang bait-bait niya sa akin kahit pa sobrang suplada ko sa kanya.
Habang naglalakad sa loob ng Mall, iniisip ko pa rin kung sisiputin ko siya sa tanghalian mamaya. Nakakahiya naman kung hindi. Iyon na nga lang ang hinihingi niyang kapalit, tapos hindi ko pa gagawin. Pero kung sasama naman ako sa kanya, paniguradong hahanapin ako ni Liliane at mag-uusisa na naman ’yon. Baka nga magtampo pa ulit eh.
Naiiling-iling na lamang ako habang binabayaran sa counter ang aking mga binili. Pagkatapos nun, nilakad ko na lamang ang kalsada papuntang University. Hindi ko na hinintay pa si Liliane at Kevin sa labas. Nagkita na lamang kami sa first subject kung saan kailangan na naming ipasa ang mga project namin.
Nakita ko kung paano pinagalitan ni prof ang mga hindi nakapagpasa. Mabuti na lamang talaga at tinulungan ako ni Neil. Ngayon ay mas lalo ko tuloy naiisip kung sasamahan ko ba siya o hindi.
**********
Dumating na ang oras na kinatatakutan ko, lunch break na namin. Naglalakad kaming dalawa ngayon ni Liliane sa hallway papunta sa Cafeteria.
“Ah... Liliane,” tawag ko sa kanya.
“Oh bakit? May problema ba?”
Nakaisip ako ng palusot. Siguro naman ay magiging effective ito sa kanya.
“Masakit kasi ang tiyan ko eh. Ayokong kumain.”
“Natatae ka ba?” malakas na tanong niya.
Tinakpan ko ang kaniyang bibig gamit ang mga kamay ko para magmukhang kapani-paniwala.
”Shhh. Huwag ka ngang maingay. Parang gano’n na nga. Kaya please lang, tumahimik ka lang diyan.”
“Eh paano na ’yan?”
“Wala. Basta, pupunta lang ako sa CR. Kita na lang tayo sa first subject mamayang hapon. Please lang, huwag mo akong susundan.”
“Yuck! Ayoko naman talaga. Kadiri kaya, Stacey! Kung nandito lang si kuya–”
“At huwag mo ring sasabihin ang tungkol dito kay Kevin,” pagputol ko sa mga sinasabi niya.
“Okay, okay. Sige na pumunta ka na. Baka maabutan ka pa,” asar niya saka muling natawa.
Hindi na ako sumagot pa. Tumakbo na ako sa kabilang direksyon para mas lalo siyang maniwala. Naging effective nga ’yong palusot ko, kaya lang ay mukhang nandiri naman sa akin ang bestfriend ko. Si Neil kasi! Nakakainis talaga siya.
Nakalabas na ako sa campus nang hindi nakikita ni Liliane. Pagkalabas na pagkalabas ko sa may gate, nakita ko kaagad si Neil. Nag-aabang ata siya sa akin. At mayroong iba sa itsura niya ngayon. Mukhang nag-ayos siya kahit kaunti. Nagmukha siyang tao.
“Stacey!” Lumiwanag ang kaniyang mukha nang makita niya ako. “Sabi ko na nga ba eh! Darating ka. Hinintay kaya kita.”
“Tara na. Bilisan lang natin. May klase pa ako mamaya.”
Tumango naman siya. Tinapunan niya ako ng tingin bago muling nagsalita.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...