STACEY’s P.O.V.
Balik Maynila at opisina na naman kaming mga empleyado simula kahapon. Kababalik pa lamang namin pero naging busy na ang lahat dahil may malaking kliyente sila Sir Dwayne na kailangan nilang mai-close ang deal upang mapalago pa ang kumpanya.
Abala ang lahat sa isang meeting kung paano makukuha ang deal habang ako naman, ito, tulala pa rin dahil sa paghatid sa akin ni Sir Dwayne sa tapat ng apartment namin noong isang araw. Grabe, ang saya ko. Simpleng paghatid lamang iyon pero hindi ko na maipaliwanag ang gusto kong maramdaman. Siguro dahil din iyon sa unti-unti na siyang nagiging mabait sa akin.
“Stacey... Stacey! Are you still with us?” Nagulantang ako sa tanong niyang iyon.
Nasulyapan ko pa sa gilid ng aking mga mata kung paano pang-asar na humagikgik sila Dixie at iba ko pang mga ka-opisina roon.
“Y-yes, sir.”
“Sige nga, anong huli kong sinabi?” Tinaasan ako ng kilay ni Sir Dwayne.
“Ah... A-ano...”
“You’re not listening. Meeting adjourned. Break time muna.” Sabi ko nga, masungit pa rin.
Nagsilabasan na ang ibang mga empleyado at naiwan na lamang kaming dalawa sa loob ng opisina.
“Kumain ka ba kanina? Bakit parang wala ka sa sarili?” tanong niya.
“Kumain po ako... May iniisip lang.”
“Sinong iniisip mo?” Tumaas baba ang kaniyang mga kilay.
Natawa naman ako nang dahil sa ginawa niyang iyon. Pati siya ay natawa na rin nang dahil sa sariling kalokohan.
“Aayusin ko na po ang mga kailangan natin bukas.”
“You didn’t answer me.” Napasimangot siya saka ngumuso.
“Bakit ganiyan ang itsura niyo, Sir Dwayne?” natatawang saad ko.
Sinamaan niya ako ng tingin bago hinatak papalabas ng opisina.
“S-sir... Saan po tayo pupunta?”
“I’m hungry. Samahan mo akong magmiryenda.”
“Pero marami pa po akong aayusin–”
“Mamaya na ’yan!”
Tumango na lamang ako bago tinignan ang mga kamay naming dalawa na hanggang ngayon ay magkahawak pa rin. Mukhang napansin niya naman iyon kaya kaagad siyang bumitaw sa akin saka napakamot sa kaniyang batok.
“S-sorry.” Para siyang batang napagalitan na namumula ang magkabilaang mga pisngi.
Nginitian ko naman siya na kaagad niya ring ibinalik. Maya-maya pa ay nagtungo na kami sa labas ng building kung saan maraming maliliit na tindahan ang nakapaligid. Natanaw ko pa ang kumpanya ng mga Santos na mukhang busy rin dahil wala kang makikitang mga nakatambay na empleyado sa labas.
Nabigla ako dahil sa mga stall ng fishballs siya nagtungo kaya naman sumunod na lamang din ako. Umorder siya ng maraming street foods at dalawang malaking baso ng palamig.
“Stacey, thank you nga pala. Nakalimutan kong magpasalamat sa’yo.”
“Para saan po?” nagtatakang tanong ko.
“Sa pagliligtas sa akin. Alam mong hindi ka marunong lumangoy pero hinanap mo pa rin ako. I really appreciate that.”
Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay pulang pula na ngayon ang buo kong pagmumukha nang dahil sa pamatay niyang ngiti. Ngayon ko lang kasi nakita itong muli. ’Yong tunay niyang ngiti. Hindi pilit, hindi galit.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...