Chapter 10 [✔]

188 16 0
                                    

STACEY’s P.O.V.

        Napabalikwas ako ng bangon nang marinig kong may nag-flush sa CR. Kung nasa itaas si Evelyn, sino ’yong nasa CR? Wala naman sigurong multo sa bahay na ’to, ’di ba?

        Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa direksyon ng CR. Nang akmang bubuksan ko na ang doorknob, nagulat ako ng biglaang bumukas iyon mag-isa.

“Ay butiki!” sigaw ko.

“Oh, Stacey, nagulat ba kita?” natatawang bungad ni Tita Lourdes.

“Akala ko po kasi ay umalis kayo. Kinabahan tuloy ako nang may mag-flush sa CR.”

        Tumawa muna siya bago muling nagsalita.

“Ikaw talagang bata ka. Pinapatawa mo ako. Manang mana ka sa tatay mo.”

        Napatawa na lang din ako nang dahil sa binanggit niya.

“Kumusta na kaya sila ni Kean, ’no, tita?”

“Hay, ano ka ba! Ayos lang ’yong mga iyon. Huwag ka nang mag-alala pa r’yan.”

“Sige po.”

“Ah, Stacey?” tawag niya nang malapit na akong umakyat sa may hagdanan.

“Po?”

“May iuutos sana ako sa’yo kung ayos lang.”

“Sige po. Ano po ba ’yon?”

“Pwede ba na pag-uwi mo bukas eh dumaan ka sa Mall at bumili ka ng rice cooker?”

“Rice cooker po?”

“Oo. Kasi sira na ’yong rice cooker natin. Ayaw kasi ako sundin ni Evelyn eh. Kesyo ayaw niya raw magbitbit ng rice cooker pauwi.”

        Natigil kami sa pag-uusap nang marinig na sumisigaw si Evelyn at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Speaking of.

“What’s happening? Anong nangyayari?!” maarte niyang tanong.

        What’s happening na nga tapos anong nangyayari pa. Ito talagang pinsan ko ang sarap ding batukan minsan.

“Anong pinagsasasabi mong bata ka?” takang tanong ni Tita Lourdes sa kanya.

“Eh narinig ko kasi na sumisigaw si Stacey. Malay ko ba kung may sunog na Mommy. Duh.”

“Duh ka r’yan eh kanina pa iyon. Wala ’yon. Bumalik ka na lang sa kwarto mo,” utos ni Tita.

“Okay, fine,” naiinis niyang sagot saka nag-umpisang umakyat sa papunta sa itaas.

        Hindi ko talaga mapigilang matawa sa pinsan kong ’to. Late reaction lang? Kanina pa kaya ako sumigaw pero ngayon lang siya nakababa.

“Balik tayo sa rice cooker. Ikaw na ang bibili ha?” tanong ni Tita.

       Dali-dali namang bumaba ulit si Evelyn na para bang may narinig siya na kung ano.

“Si Stacey ang bibili, Mommy?” taas-kilay na tanong niya.

“Oo. Ayaw mo naman eh.”

“Pero!”

“Anong pero ka r’yan. Ayaw mong sumunod kaya siya na lang ang uutusan ko. Eh ano naman sa’yo ngayon kung siya ang bibili?”

“Baka mangupit siya sa pera mo!”

        Nakakainis na talaga ’to ah. Alam kong tungkol pa rin ito roon sa hikaw na nawawala. Eh hindi naman talaga ako kumuha nun eh. Ayaw niya talaga akong pagkatiwalaan.

The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon