STACEY’s P.O.V.
Mas lalo na namang nadagdagan ang problema ko dahil simula nang bumalik ako sa loob ng campus, hindi na ako kinikibo ni Liliane. Mukhang nagtampo ata dahil sa ginawa ko sa kanya kanina.
“Hoy, Liliane! Kausapin mo nga ako.”
Tinignan niya lamang ako saglit bago ibinalik ang kaniyang mga mata sa kung ano mang ginagawa niya.
Hindi ko naman gusto na iwan siya kanina eh. Alam ko lang kasi na aasarin niya na naman ako kapag nalaman niya na hinahanap ko ’yong barker na si Neil kaya ayoko na magpatulong pa sa kanya.
Nang mag-second period na, hindi ko na siya kaklase kaya hindi ko na alam kung anong ginagawa niya o kung galit pa ba siya. Dahil kaklase ko naman sila Aira at Josh, naisipan ko na lamang na itanong sa kanila kung anong nangyari kanina habang wala ako. Mabuti na lamang at seatmate ko si Aira kaya madali lamang kaming makakapagkwentuhan.
“Pssst!” tawag ko.
“Oh, Stacey, bakit?”
“Anong nangyari kanina?” usisa ko.
“Kanina?”
“Oo. Kaninang lunch break. Anong nangyari kay Liliane? Kwentuhan mo naman ako.”
“Hindi ko alam eh,” sagot niya na nagpakunot pa lalo sa aking noo.
“Ha? Eh ’di ba pinasama ko siya sa inyong dalawa ni Josh?”
“Umalis kasi siya eh. ’Yong papunta na sana kami sa Cafeteria, nagpaalam siya na mag si-CR lang daw siya saglit. Kaso hindi na bumalik. Bakit, may problema ba?”
“Hindi niya kasi ako pinapansin eh, simula kanina pang first period.”
“Hala, bakit kaya ’no?”
Natigil kami at parehong nagulat nang ibinagsak biglaan ng professor namin ang hawak niyang libro sa kaniyang desk.
“Ms. Corazon at Ms. Mercado! Kung magkwekwentuhan lang naman kayo sa klase ko ay mas mabuti nang lumabas na lamang kayo!” inis na saad ni Ma’am Cheska.
“Sorry po, Ma’am Cheska,” sabay naming sabi.
Natahimik na kami pagkatapos nun. Ayoko na rin namang mapagalitan. Nakakadalawa na ako ngayong araw ah. Kanina hindi ko natapos ’yong activity, ngayon naman ay napahiya ako sa klase. Nagiging pasaway na talaga ako. Pangatlong araw pa lang pero parang ang hirap-hirap na.
Nang dinismissed na kami para sa last subject, patakbo akong umalis ng room para maabutan pa si Liliane sa locker room ng girls. Nagpapalit kasi kami bago mag P.E. Ito lang ang chance ko para makausap siya. Mas malapit pa naman ang room niya sa Gym kaysa sa akin.
Bakit kaya siya umalis kanina? Nag-CR lang daw pero hindi na bumalik. Saan kaya nagpunta ang babaeng ’yon?
Hindi naman nasayang ’yong effort ko dahil naabutan ko siyang nagsisintas ng rubbershoes niya.
“Liliane! Kausapin mo naman ako,” pag-uumpisa ko.
“Ano ba?” walang gana niyang tanong.
“Saan ka nagpunta kanina? Hindi ka raw sumabay kila Aira.”
“Hmm. Ikaw pa talaga ang nagtatanong kung saan ako pumunta ah? Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko? Saan ka ba talaga pumunta, ha, Stacey Maulap Mercado?”
Napatigil naman ako sa sinabi niya. Nakakahiya naman kasi kung sasabihin ko sa kanya ’yong totoo. Nagsinungaling pa naman ako sa kaniya kanina.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...