STACEY’s P.O.V.
Tumakbo na kami ni Neil pabalik sa University. Kahit wala pa namang oras, pinilit niya pa rin akong tumakbo para raw hindi ako mahuli sa klase. Papasok na sana ako ng gate nang muli siyang nagpaalam sa akin.
“Salamat, Stacey,” saad niya.
Ngumiti na lamang ako saka pumasok na sa loob ng campus. May sampung minuto pa ako para mag-ayos ng sarili. Pumasok ako sa CR para sana ayusin ang sarili ko, pero iba ang nangyari.
Nakaramdam ako ng sakit ng tiyan. Mukhang nakakarma na ata ako dahil sa pagsisinungaling ko kay Liliane kanina. Sana naman ay hindi magkatotoo ’yong palusot ko.
Mali na naman ako. Dahil pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa CR, napatakbo na ako sa loob ng isang cubicle. Doon ay nagsimulang umakyat pabalik sa aking lalamunan lahat ng aking mga kinain kanina. Nagkanda suka-suka ako at halos hindi na nga ako makatayo. Dahil ata ’to roon sa langka na kinain namin ni Neil kanina. Sabi ko na nga ba, hindi ako sanay kumain ng gano’n.
Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili, nag-umpisa na akong magpawis. Mukhang masama nga talaga ang naging epekto ng kinain ko sa akin.
Lumabas ako sa CR para pumunta ng clinic. Nakasalubong ko pa si Liliane na mukhang papasok na sa first afternoon period namin.
“Stacey! Namumutla ka na! Sira pa rin ba ang tiyan mo?” Nag-aalala na siya ngayon.
“Hindi ko alam.” Nanghihina na talaga ako.
“Halika. Sasamahan na kita sa clinic. Ii-excuse na rin kita sa mga klase natin.”
Tumango na lamang ako bago niya ako inihinatid sa clinic. Matapos nila akong pahigain doon, alam kong nawalan na kaagad ako ng malay-tao.
**********
Nagising ako at bumungad sa akin ang puting kisame ng aming clinic. Napabangon ako na naging dahilan ng aking pag-agaw sa atensyon ng school nurse namin.
“Okay ka na ba? Na-dehydrate ka kaya ka nahihilo. Pero nilagyan na kita ng dextrose.”
Tinignan ko ang kamay ko. Mayroon ngang nakakabit na suwero. Mabuti naman at mukhang umayos na ang pakiramdam ng tiyan ko kahit kaunti.
“Pwede ko na po ba ’tong tanggalin?”
“Pwede na kung sa tingin mo na kaya mo na.”
Sumenyas ako sa kanya na ayos na ako. Nakuha niya naman ’yon kaya inalis na niya ang nakatusok sa aking kamay. Itinuro niya rin sa akin ang gamit ko na nakapatong sa may silya. Mukhang hindi pa naman huli para pumasok ako sa last subject, Physical Education.
Nagtungo muna ako sa second afternoon class ni Liliane. Sakto namang labasan na nila kaya inabangan ko na siya sa may pintuan ng kanilang classroom.
“Stacey!” banggit niya sa pangalan ko pagkakitang pagkakita niya sa akin.
Ngumiti lamang ako sa kanya. Ramdam ko pa rin ang pagkahilo at panghihina.
“Okay ka na ba? Bakit nandito ka? Hindi ka pa pala umuwi?”
“Papasok ako sa last subject.”
“Tsk. Kay Prof. Carl pa talaga. Huwag na. Ii-excuse na lang kita.”
“Hindi na, kaya ko naman eh. At saka ayokong umabsent.”
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...