Chapter 05 [✔]

232 19 0
                                    

STACEY’s P.O.V.

        Sabay na kaming lumabas ni Liliane sa building. May nakita akong nagtitinda ng street foods sa gilid kaya naman niyaya ko na muna siyang kumain.

“Ah, Liliane,” pagtawag ko.

“Ano ’yon?”

“Nandiyan na ba ’yong sundo mo?”

“Hmm. Wala pa naman. Samahan muna kita rito habang wala pa si kuya.”

“Kumakain ka ba nun?” tanong ko sabay nguso sa nagtitinda ng mga fishballs.

“Oo naman. Sino namang hindi, ’di ba?” sagot niya na bahagyang natatawa.

“Ahh. Mabuti naman kung ganoon. Tara bili?” pagyayaya ko pa.

“Sige ba.”

        Lumapit kami sa nagtitinda at nag-umpisa nang magtuhog-tuhog. Natatawa ako kay Liliane. Akala ko kasi dahil may kaya siya ay hindi siya kakain ng gano’n.

        Nasa kalagitnaan kami ng paglamon ng may bumusinang sasakyan sa tapat namin. Bumaba mula roon ang lalaking medyo singkit at maputi. Matangos din ang ilong niya at mukhang basketball player dahil sa tangkad.

“Kuya Kevin!” masayang bati ni Liliane.

“Tara na. Hinahanap ka na nila Mama.”

“Kumakain pa ko eh!” reklamo niya rito.

“Hay. Pasaway ka talaga. Ako na naman ang mapapagalitan nito eh.”

        Napatingin sa akin ’yong kuya ni Liliane. Nahiya naman ako kaya mabilis kong itinigil ang pagkain ng fishballs.

“Ah kuya, ito nga pala si Stacey, nakilala ko kanina sa loob. Parehas kami ng course.”

        Nginitian niya naman ako. Ang gwapo-gwapo niya naman! Ngayon lang ako na-attract sa isang lalaki. At kapatid pa ng una kong kaibigan dito sa Maynila.

        Gusto kong sampalin ang sarili nang maalala na nandito nga pala ako sa Maynila para mag-aral, at hindi para lumandi.

“Hi, Stacey! I’m Kevin Santos,” pakilala niya sabay lahad ng kaniyang palad.

“Uhm... S-Stacey, Stacey Maulap Mercado. H-hi!” naiilang na pakilala ko naman saka inabot sa palad niya.

        Bahagya kaming nag-shakehands. In fairness, ang lambot ng kamay ni kuya. Hehe.

“Stacey, ayos ka lang ba?” tanong ni Liliane nang mapansin niyang tulala ako.

“A-ako? O-oo naman. A-ayos lang ako. Hindi pa ba kayo aalis?” tanong ko.

“Ahm, actually, hinahanap na ng Mama namin si Liliane. Pwede ka nang sumabay sa amin kung gusto mo,” alok pa niya. Naku, ang gentle man pa. Plus pogi points din kaya ’yon.

“Ahh, hihintayin ko pa kasi ’yong tita at pinsan ko eh,” paliwanag ko sa kanila.

“Okay, maybe next time. Sure you will be okay here?” tanong niya. Englishero pa si kuya. Lakas makagwapo eh.

“Oo. Okay lang. Bye, Liliane. Bye po,” pagpapaalam ko sa kanila.

       Bahagya siyang natawa bago muling nagsalita.

“Kevin na lang, at huwag ka na ring ‘mag-po’ sa akin. Bye, rin. Nice meeting you, Stacey.”

         Pumasok na sila sa loob ng kanilang kotse at naiwan akong nakatayo roon. Binuksan ni Liliane ang bintana saka kumaway sa akin.

The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon