Random Fun Facts [✔]

81 5 0
                                    

• BOTHERING PLOT
         – Ito ’yon eh. Dito nagsimula ang concept ng TBWSMH. At ang nakakatuwa, wala pa talaga akong balak na maging writer way back then. Minsan kasi noong sumakay kami sa jeep, biglang may ideyang pumasok sa utak ko. Natawa ako habang iniisip na, “What if ma-in love ’yong isang pasahero sa barker? Ano kayang mangyayari?” HAHAHA.

         Tapos ayon na, lumawak na ng lumawak ’yong idea hanggang sa naging isang buong plot na siya ng istorya. Hindi ko pa talaga alam noon na magiging writer ako sa Wattpad, reader lang din kasi ako noon. Then hindi na ako tinigilan nung plot na naiisip ko, kaya naman noong April 18, 2020, out of boredom, naisip kong isulat siya. At hindi ko inaasahan na aabot ako hanggang dulo. Na matatapos ko siya. It took me almost a year to finished this novel, but I think worth it naman.

• THE ORIGINAL TITLE
        – Sa totoo lang, ilang beses ko na rin itong isinulat bago pa noong April 18, year 2020. May luma kasi akong Wattpad account, doon ko siya unang ipinublished pero prologue pa lang. The original title was, “Beep, Beep! Pag-ibig Sa Jeep.” Yes, jejemon po ako dati. Ang haba ng title! Kakaloka!

• CHAOTIC TITLE
        – Syempre, bago ko naman na-achieve na gumawa ng medyo disenteng title para sa kwento, dumaan rin ako sa pagiging jeje katulad nga nung sinabi ko kanina. The very first time that I published this story of mine, here, in this account, ang title niya talaga ay “TBWSMH: The Barker Who Stole My Heart.” Oh ’di ba? Parang sira ulo lang. May initials pa talaga eh. Pero nung tumagal, inalis ko na rin. Na-realized ko na, mga bro!

• THE NAMES
        – Ito na. Discuss naman natin ang tungkol sa mga pangalan ng characters. Choss. HAHAHA.

        Stacey. First ever Wattpad character na inidolo ko. I mean, noong bago pa lang kasi ako sa Wattpad, ’yong pinakauna kong nabasa na istorya is, “Lovelife, Ano ’Yun?” Nakalimutan ko nga lang kung sino ang nagsulat. Sadly, hindi ko na siya mahanap ngayon kaya hindi ko natapos ’yong kwento. Ang ganda pa naman. Ang pangalan ng MC doon ay Stacey, at medyo na-attached talaga ako sa kanya. Parehas kasi kaming tahimik! Hehe. Comment nga kayo kung nabasa niyo ’yon!

(P.S. Nahanap ko na siya! Sikat na sikat pala ’yong author ng kwentong ’yon! Hehe. Nakakahiya dahil ginamit ko ’yong pangalan ng MC niya. Pero anyways, proud ako na ang istorya niya ang naging daan para maging writer din ako. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano ako kinilig sa kwentong ’yon.)

         Neil. Pangalan talaga siya ng main lead ko sa prologue nung “Beep, Beep! Pag-ibig sa Jeep.” Hindi ko na pinalitan. ’Yong Dwayne naman, narinig ko lang sa isang elementary friend ko. Nagandahan ako eh, bakit ba? HAHAHA.

        Beatriz. Ito ’yong Mama ni Stacey na saka ko pa lamang naisipang lagyan ng pangalan kung kailan tapos na ang kwento. HAHAHA. Napansin ko lang kasi noong nagre-revise na ako, wala palang name ’yong Mama ni Stacey girl. Kaya nilagyan ko na para fair naman.

         ’Yong iba, kung hindi ko kakilala, friend na ng mga kapatid ko. Sorry na kaagad doon sa mga nadamay. Peace! HAHAHA.

• THE INSPIRATION
        – ’Di ko talaga alam kung paano ko ’to natapos. Basta, kapag busy ka pala ay mabilis lang lumipas ang panahon. Isang taon din ang inabot ko sa pagsusulat ng kwento nila Stacey, 2020 ko pa ito sinimulan at pagtingin ko sa kalendaryo, BOOM! 2021 na pala.

        Siguro kung may inspirasyon man ako, ’yong kantang “Jeepney Love Story” ’yon. Though, hindi naman kasi pasahero ’yong male lead ko eh. HAHAHA. Basta ’yon na ’yon. Magulo ba?

• PORTRAYERS
        – Portrayer. Kung papipiliin man ako ng portrayer ng mga characters, mga Pilipinong artista ang nakikita ko sa kanila. Siguro SethDrea? O Lizquen? HAHAHA. Wala lang, sila ang nakikita at trip ko eh, bakit ba? Ayoko namang sirain ang imagination niyo, kaya kung may naiisip na kayong iba, okay lang. Go on and enjoy. Hihi.

• HIATUS PERIOD
        – We all have that moment na tumigil tayo sa pagsusulat. ’Yong sa akin kasi, tumigil ako at inon-hold ko muna ang TBWSMH noong June 2020 ata ’yon? Kasi nga ay nauubusan na rin ako ng mga ideya saka hindi pa uso sa akin ang outline noon. Tapos August ko na siya naibalik ulit. Noon, may concrete outline na ako. ’Yong talagang planado na ang lahat ng mga mangyayari.

        Pero hindi ako totally nag-hiatus ah? Inon-hold ko lang ang kwento nila Stacey at Neil pero hindi ako tumigil na magsulat ng ibang kwento sa Wattpad.

• OUTLINE
        – Kagaya nga ng sinabi ko kanina, nag-outline lang ako after ko mag-hiatus. Bale nasa Chapter 30 na ako noon bago pa ako gumawa ng outline. ’Yon ang Chapter 31 hanggang Epilogue na. Kaya kung makikita at babasahin niyo, parang wala pang patutunguhan ’yong first 30 chapters ng kwento. Pero syempre ayokong bawasan. Ayokong alisin ’yong ibang scene dahil nakakatuwang basahin ’yong mga isinulat ko noong baguhan pa lamang ako.

• REVISION
        – ’Di ko talaga alam kung paano ako mag-uumpisang mag-revise noon. Jusko, 80 chapters. Tapos halos kalahati nun ay isinulat ko noong jejemon pa ako. HAHAHA. Good luck na lang sa akin.

        Grabe, nakaka-stress tignan ’yong mga punctuation marks sa istoryang ito dati. Mali-mali, tapos ang daming typo errors. Kaya nga ako nag-decide na i-revise eh. Para palitan ’yong mga mali-mali. Though, hindi pa rin naman siya “perfect” after ko i-revise. Kasi wala namang gano’n eh. Walang perfect na gawa. Siguro hanggang ngayon ay may mga typo errors pa rin at kung ano-ano pa rito. Pero syempre, malaki ang naitulong ng revision o editing para naman kahit papaano, maging disente ’yong kwento.

        Hindi ako nagbawas ng mga scene habang nagre-revise. Nagdagdag, pwede pa. Pero never akong nagbawas. Gusto ko kasing makita ’yong mga cringe moments ng mga bida. Tipong pagtatawan ko ’yong mga isinulat ko noon kapag wala akong magawa sa buhay. Para sa akin kasi, mahalaga ang bawat scenes na isinulat natin kahit na para sa iba, wala ’yong kwenta o ambag man lang sa istorya.

        Also, late na talaga nakilala ni Stacey si Neil. Sa chapter five na talaga. Marami kasi ang nagsasabi na dapat before chapter three, nag-meet na ’yong mga bida. Pero kung ako ang tatanungin, okay lang siguro na sa chapter five na sila nagkita. Para naman namnamin muna ng mga readers ’yong side ni Stacey bago mapunta sa romance eklavu. HAHAHA.

        Mahirap mag-revise, oo. Pero kapag nakita mo naman ’yong outcome saka improvement ng gawa mo, matutuwa ka talaga. Tipong masasabi mo na lang sa sarili mo na hindi ka naman pala ganoon kasama magsulat. Na tama lamang pala na sinimulan mo ang pagsusulat. Napaka-fulfilling.

• SEQUEL
        – ’Di ko alam kung may sequel pa ito. Maybe? Gusto ko kasing gawan ng istorya ang mga anak ng bida natin eh. Kaso may mga nakaplano na akong iba pang mga kwento. Titignan natin. I’m open for possibilities.

The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon