STACEY’s P.O.V.
Pagkatapos namin kumain, bumalik na rin kami kaagad sa school. Baka kasi ma-late kami sa first afternoon period namin.
Ito pa ang nakakainis. Pagdaan namin sa may gate, nandoon na naman si kuyang barker. Kainis talaga! Stalker ko ba siya? Kung makakindat pa wagas. Oo alam kong gwapo siya, pero ’di ko siya type ’no. Wait, what?! Hindi pala siya gwapo. Kaler. Ang layo-layo niya kaya sa kuya ni Liliane. Wala pa siya sa 1% ni Kevin.
Hindi ko na kaklase si Liliane sa second period, kaya naman humanap muna ako ng ibang makakausap sa room. Nakilala ko sila Josh at Aira. Nakipag-usap ako sa kanila at sinabi nila sa akin na mag-jowa sila. Nagsimula pa raw sila noong first year highschool. Napapasana all na lang nga ako eh. Okay naman sila kausap kaya lang naaalibadbaran ako dahil harutan sila ng harutan sa loob ng klase.
Mabuti na lamang at kaklase ko na ulit si Liliane sa last subject. Gym. Ayaw na ayaw ko pa naman ’yong P.E. Physical Fitness test daw. Hmm... Wala namang kinalaman ’yon sa course namin eh. Bakit kasi kelangan pa ng ganoon.
Sayang saya ako nang matapos na ang klase namin. Makakapagpahinga na rin sa wakas. Niyaya ako ni Liliane na magmeryenda muna sa may fishballan malapit sa harap ng school.
“Tara na, Stacey. Masarap ’yong sauce nila roon eh,” yaya niya.
“Hindi ka pa uuwi?”
“Uuwi na pagkatapos. Pero hihintayin ko pa si Kuya Kevin. May training pa kasi sila ng basketball.”
“Basketball player pala ’yong kuya mo?”
“Oo. Kasama nga siya sa varsity team kaya ’yong mga babae rito ay kilalang kilala na siya.”
“Wow. Ang galing naman ni Kevin.”
“In love ka na naman niyan?” asar niya.
“Baliw. Hindi ah.”
“Weh? Andami talagang chix ng kuya ko.”
“Talaga? As in... B-babaero siya?”
“Oo kaya. At isa ka na sa mga mabibiktima niya.”
“Hoy, hindi ah. Hindi ako basta chix lang.”
“Whatever you say.”
Sabay na kaming lumabas at syempre mabubwiset na naman ako sa mukha ng barker na ’yon. Nakatayo siya malapit sa may jeep na kalahati na lang ang kailangang laman para mapuno. Pansin ko na may suot siyang bellybag. Ito siguro ’yong sinasabi niyang bag na naiwan daw niya sa karinderya. Pwes wala naman akong pakialam doon.
Busy siya sa pananawag ng mga pasahero. Nang makita niya ako, kaagad niya akong nginitian. Parang may naalala siya nang makita ako. Binuksan niya ’yong bag niya at parang may hinahanap doon. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang pagtaguan siya. Ang kulit-kulit niya kasi eh.
Mabilisan kong hinila si Liliane papunta sa nagtitinda ng mga streetfoods. Sumiksik ako sa maraming tao para hindi niya ako makita.
“Oh, Stacey? Anong nangyari sa’yo? Bakit para ka atang nakakita ng multo? May tinataguan ka ba?” pagtataka ni Liliane.
“Ha? Wala ah. Gutom lang talaga ako. Halika na lang kumain. Bilis habang bagong luto pa itong squidballs nila,” palusot ko.
Mukhang naniwala naman siya dahil kumuha na siya ng kakainin niya. Hindi ko alam kung naniniwala ba talaga siya sa akin o gutom lang din siya kaya kinagat niya na ang palusot ko.
Ano kayang reaksyon ni kuyang barker kapag nalaman niyang tinataguan ko siya? Well, ano naman ngayon sa kanya? Eh nakakainis ’yong pagmumukha niya eh. Mas naiinis pa ako sa mukha niya kaysa sa pang aasar sa akin ni Kean noon. Naalala ko tuloy sila bigla. Kumusta na kaya ang kapatid kong ’yon?
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...