Chapter 65 [✔]

93 5 0
                                    

STACEY’s P.O.V.

          Bitbit ang perang ipinadala ni Tita Lourdes bilang kapalit sa ibinigay ni Neil kay Evelyn, nagtungo ako sa Salazar’s Corp. Balak kong ibalik ito sa kanya ngayon. Sobra-sobra naman kasi ito, at isa pa ay ayoko nang tumanggap ng kahit na anong tulong mula sa kanya. Nangako ako kay Evelyn na uuwi na si Tita ngayong taon. Tutuparin ko ‘yon kahit ako lang mag-isa.

         Hindi ko maiwasang kabahan habang papalapit na nang papalapit ang elevator na sinasakyan ko ngayon papunta sa opisina ni Neil... O dapat ko ba siyang tawaging Sir Dwayne? Dapat lang. Iyon naman talaga ang pangalan niya. Matagal nang nawala ang Neil na minahal ko noon. Limang taon na iyon.

        Pagkalabas ko nang elevator, pinagtitinginan ako ng ibang mga empleyado na mukhang nakasaksi sa nangyari noong isang araw. Siguro ay nakikilala nila ako bilang isa sa mga sekretaryang itinaboy ni Sir Dwayne.

        Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng kaniyang opisina, ilang beses muna akong huminga ng malalim bago kumatok doon.

“Pasok,” kalmado niyang saad.

        Kinakabahan kong pinihit ang doorknob ng pinto saka pumasok sa loob. Tumingala siya para siguro tignan kung sino ang tahimik na pumasok sa kaniyang opisina. Mukhang nagulat siya nang makita ako dahil bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata.

“S-Stacey....” Kaagad siyang napatayo mula sa kaniyang swivel chair.

        Matipid lamang akong ngumiti sa kanya.

“Sir Dwayne... Huwag po kayong mag-alala, hindi na po ako magtatagal.”

“Stacey, I’m sorry... Hindi ko alam... I called the engagement off. Hindi na ako magpapakasal kay Liliane, Stacey. I’m really sorry. Please forgive me.”

“Wala naman po dapat akong pakialam doon, hindi ba? Empleyado lang ako, boss ko kayo. Hindi po ’yon ang pinunta ko rito, Sir Dwayne.” Pinipigilan kong mangilid ang mga luhang gusto nang kumawala mula sa aking mga mata.

“Stacey I’m sorry. Pumunta rito si Evelyn. Sinabi niya na sa akin ang lahat. Kung bakit hindi mo ako nahanap noon... Kung bakit hindi ka pumasok ng ilang araw sa opisina. Naiintindihan kita... I'm here now, okay? I’m sorry kung hindi ako nakinig... I’m sorry kung itinaboy kita... Just please... Take your job back here...”

        Napailing-iling ako bago napangiti nang mapakla.

“Hindi na po, Sir Dwayne. Salamat na lang sa tulong pero... Hindi niyo na kailangan pang maawa sa akin. Nandito ako para ibalik ang perang ibinigay mo kay Evelyn. Huwag kang mag-alala, walang labis at kulang ’yan. Pero ibinawas ko na ’yong kalahating buwang sahod ko, Sir. Aalis na po ako.”

        Ibinaba ko sa harapan ng lamesa niya ang envelope na naglalaman ng pera. Tatalikod na sana ako pero hinawakan niya ang ang isang braso ko para mapigilan akong umalis.

“Please... Stacey, I’m sorry... Just please... Don’t leave me again.”

         Inalis ko ang pagkakahawak ng kaniyang kamay sa aking braso. Isang taksil na luha ang tumulo mula sa aking mata kahit na ilang beses ko nang sinabi sa aking sarili na hindi na ulit ako iiyak na siya ang dahilan.

“Magkalimutan na lang tayo, Sir Dwayne. Ibilang mo na lang ako sa mga sekretaryang dumating at umalis dito sa kumpanya mo...”

“Pero Stacey...”

“Mahal kita, Neil. Ito na ang huling beses na tatawagin kita sa pangalang ganun at sasabihin ko ’yan sa’yo... Dahil... Ayoko na talaga. Ang sakit-sakit na kasi. Uunahin ko na muna ang pamilya ko.”

The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon