STACEY’s P.O.V.
Pabalik-balik akong naglalakad papunta sa dalawang panig ng kwartong kinalalagyan ko ngayon habang tinitignan ang deep V-neck floral embroided gown na isusuot ko na maya-maya lamang. Nakaayos na ang aking buhok pati na rin ang make-up sa aking mukha nang biglang pumasok ang aking maid of honor na walang iba kung hindi si Liliane.
“Stacey? What are you doing?! Bakit palakad-lakad ka r’yan? Mamaya masira ’yang make up mo!”
“Uhm... Kasi... K-kinakabahan ako, Liliane.”
Ngumiti siya sa akin bago hawakan ang magkabilaan kong mga balikat.
“Look, Stacey. Wala ka nang dapat ipag-alala pa. Everything is perfect. Walang mangyayaring masama.”
“But... What if magbago ang isip ni Neil?”
Natatawa siyang lumapit sa akin.
“Ngayon mo pa pagdududahan ang pagmamahal niya para sa’yo? You’ve been in a relationship with him for almost three years now. At magkakilala na kayo eight years ago. Huwag kang kabahan... May tiwala ako kay Neil na hindi niya gagawin ’yon sa’yo.”
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Nabawasan ang aking kaba pero hindi pa rin iyon nawala. Kinakabahan pa rin kasi akong humarap sa mga bisita mamaya dahil medyo marami rami iyon. Kahit gustuhin ko man ng simpleng kasal, wala akong nagawa kundi ang pagbigyan sila Tita Dana na gawing enggrande ang kasalan namin ng nag-iisa nilang anak.
“Nag-text nga pala sa akin si Kean, on the way na raw sila ng groom mo papunta sa simbahan. I’ll help you wear your gown. Pagkatapos ay magbibihis na rin ako para makapagpicture taking naman tayo ng mga bridesmaid mo kahit saglit lang.”
Tumango na lamang ako saka nagpatulong sa kanya na isuot ang aking bridal gown. Pumasok na rin ang mga make up artist na binayaran nila Tita Dana upang mag-ayos sa akin. Tinulungan nila ako pati na rin sila Liliane upang makapaghanda na.
“You look so beautiful, Stacey! OMG! Hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na kayo ni Sir D!” Si Dixie iyon. Isa siya sa mga kinuha kong bridesmaid. At syempre, pati ang pinsan kong si Evelyn.
“Thank you. Salamat dahil pumayag kayong maging bridesmaid ko.”
“Of course! Bilisan niyo mamaya ah, excited na akong makita ’yong venue ng reception eh.”
Nagtawanan naman kaming lahat nang dahil sa komento niyang iyon. Secret fancy garden kasi ang tema ng kasal kaya hindi muna ipinakita sa mga imbitado ang ayos nito. Kahit ako ngang bride ay hindi ko man lang iyon nasilip. Gusto kasi nila Tita Dana na hindi na ako maistress tungkol dito.
Nag-ayos muna kaming lahat bago nagpicture taking. Nauna nang umalis ang iba habang kami namang dalawa ni Liliane ay sa bridal car na sasakay. Nang makapasok na kami sa loob, muli na naman akong nakaramdam ng kaba.
“I know that face. Don’t be nervous. Ikaw na lang ang hinihintay ni Neil. Nandoon na silang lahat sa simbahan pati sila Tito Joey.”
“Alam ko namang sisiputin ako ni Neil eh. Kagaya nga ng sinabi mo kanina, ngayon pa ba ako magdududa?”
“Then good. Relax ka lang. Lahat ng bride kinakabahan tuwing big day nila. So don’t stress yourself.”
Ngumiti na lamang ako at nanahimik na buong byahe. Nang makarating na kami sa tapat ng simbahan, wala ng mga tao ang nasa labas kundi ang wedding coordinator na lamang. Pinapasok na niya si Liliane sa loob at inassist akong ipwesto sa tapat ng malawak na pintuan.
BINABASA MO ANG
The Barker Who Stole My Heart [COMPLETED✔]
Romance[A STAND-ALONE NOVEL] "Marami ang nai-in love sa mga doctor, engineer, pulis, at kung ano-ano pa. Lahat ng mga mayroong propesyunal na estado sa buhay. Mga taong mas nakaaangat kaysa sa mga katulad nating pangkaraniwan lamang. Pero ako, minahal ko a...