IAHPA 33

1.2K 49 36
                                    

Dani's POV

Lagpas alas-dose na nang magpasiya kaming bumalik na ni Ice sa bahay. Gutom na rin kasi kami. Magkahawak-kamay kaming naglakad pabalik. Pagdating namin sa likod ng bahay, lumabas naman si Ali na may dalang damit at tuwalya. Maliligo pa lang yata siya.

"Magkaholding hands ah? Kayo na?" tanong agad niya.

Parang sinabi na rin ni Drake 'yang line na 'yan. Bagay nga sila, iisa lang ang isip.

"Malapit na." sabi ni Ice at tinaas-baba pa ang kilay niya.

"Tse! Tumahimik ka." naiinis kunwaring sabi ko. Natawa naman sa 'min si Ali.

"Saan ba kayo galing at ngayon lang kayo nagpakita? Kanina pa kaya namin kayo hinahanap." tanong ni Ali sa 'min.

"May pinuntahan lang kami." sagot ko.

"Galing kayo dun ha, dinala mo siya sa tambayan natin?" pangungusisa pa niya. Tumango naman ako.

"O sige na, maliligo na muna ako. Pasok na kayo dun." sabi ni Ali at dumiretso na sa banyo dito sa likod ng bahay.

Sabay na kaming pumasok ni Ice. May naamoy naman akong mabango na mas lalong nagpagutom sa 'kin.

"Nagbarbecue yata sila. Tara!" Hinila ko na si Ice palabas at doon namin nadatnan sina Zaria na abala sa pag-iihaw.

"Bango naman niyan." sabi ko kaya napatingin sila sa 'min.

"At saan naman kayo galing?" mataray na tanong ni Bernard.

"Sa tambayan lang." sagot ko. Lumapit ako sa mesa at ganoon din si Ice. Kumuha ako ng isang stick ng barbecue.

"Talaga? Kamusta na yun? 'Di pa kami nakakapunta dun ulit." sabi ni Zaria habang pinapaypayan ang iniihaw niya.

May iilan din kaming mga kapitbahay na nandito at mukhang naghihintay na maluto ang barbecue. Nagbebenta yata 'tong mga 'to ng barbecue, akala ko trip lang nilang gawin 'to ngayon.

"Ayun, maayos pa rin naman. Maupay la gihap tambayan." (Maganda pa ring tambayan.) sagot ko. Umupo sa tabi ko si Ice habang kumakain na rin.

Dumating si Lia na may dalang kanin para sa 'min ni Ice kaya kumain na muna kami. Mayamaya ay pumasok muna sa loob sina Zaria at Bernard kaya kami muna ni Ice kasama si Lia ang nakatoka dito sa labas. Hindi naman masyadong marami ang bumibili kaya keri lang.

"Tambayan niyo pala yung pinuntahan natin kanina?" tanong ni Ice habang nagpapaypay ako.

"Oo, dun kami palaging tumatambay noong mga bata pa kami tiyaka kapag umuuwi kami dito." sabi ko. Napatango-tango naman si Ice.

"Dani!" Napatingin naman ako sa tumawag sa 'kin at napangiti.

"Uy Kapitan!" masayang bati ko.

"Nagbarbecue ngay an kamo dinhi." (Nagbarbecue pala kayo dito.) sabi niya.

"Ay oo, sira Zaria kanina naghimo. Mapalit ka, Kap?" (Ay oo, sina Zaria gumawa. Bibili po kayo, Kap?)

"Oo, maduha sadi ngan lima liwat na adidas." (Oo, dalawa nito at lima namang adidas.) Kaagad kong nilagay sa grill ang tinuro niyang dalawang isaw at limang adidas o paa ng manok.

"Kamusta ka naman?" Eto na nga, nagsimula ng mag-interview si Kapitan.

"Amo la gihap, mahusay." (Ganun pa rin, maganda.) biro ko.

"May ada ngay an kamo upod." (May kasama pala kayo.) sabi ni Kap habang nakatingin kay Ice na lumapit sa pwesto ko.

"Ay oo Kap, boss nak." (Ay oo Kap, boss ko.)

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon