IAHPA 25

1.1K 51 16
                                    

Ice's POV

Right timing.

Kung kailan handa na akong umamin, 'yan naman ang pinoproblema ko ngayon. Nakaipon na ako ng sapat na lakas ng loob pero hindi ako makahanap ng magandang tiyempo na kausapin siya na kami lang dalawa. Paano ba naman kasi, ngayon, siya naman ang umiiwas sa 'kin.

These past few days, palagi niya na akong iniiwasan. Kapag sinusubukan kong lumapit sa kanya, lalayo siya agad at lalapit sa iba naming kasama. Hindi na rin siya sumasabay sa 'kin sa pagpunta sa trabaho at pati na rin pag-uwi. Kapag nasa trabaho naman, ang professional niya kumilos. Isang tanong, isang sagot, ganyan kami palagi. Palagi rin siyang walang imik.

Ito na yata 'yong karma ko sa pag-iwas sa kanya noon. Ang bilis naman ng karma ko. Pambihira!

Maging dito sa bahay ay hindi rin kami nagpapansinan. Kapag kumakain, walang imikan. Nakakapansin na nga rin siguro si Manang sa pagiging malayo namin sa isa't isa pero hindi niya lang 'yon sinasabi sa 'min.

Halos magda-dalawang linggo na rin kaming ganito pero wala pa ring nagbabago. Mas lalo lang lumala.

Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto.

"Pasok!" Bumukas ito at bumungad ang mukha ni Dani. Napaayos ako ng upo sa kama at napalunok.

"B-bakit?" Sige, mautal ka pa, Ice.

"Magpapaalam lang sana ako, doon muna ako kina Ali tutal wala namang trabaho." sabi nito. Blangko lang ang itsura niya at walang kahit anong emosyon na makikita rito.

Bakit siya nagpapaalam sa 'kin e dati hindi naman? Ginagawa niya lang ba 'to para makausap ako?

Wag kang umasa, Ice. Boss ka niya kaya siya nagpapaalam sa 'yo.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil tama ang sinabi ng isip ko.

Napansin ko rin ang itsura niya. Simple lang na T-shirt at pants pero ang ganda pa rin. May lakad nga siya.

"Sir?" Natigil ako sa pagsusuri sa itsura niya nang sambitin niya 'yon.

It's Ice, not Sir.

Isa pa 'yan sa mga nagbago sa kanya. Sir na ulit ang tawag niya sa 'kin.

"Sure." maikling sagot ko. Lumabas na agad siya sa kwarto.

Wala kaming trabaho ngayon dahil Linggo. At kapag ganitong mga araw na wala kaming pasok, umaalis ng bahay si Dani at pumupunta sa apartment ni Ali. Ang kaibahan lang ngayon, nagpaalam siya sa 'kin na dati hindi niya naman ginagawa. Palaging kay Manang ko lang nalalaman na umalis siya dahil sa kanya lang naman nagpapaalam si Dani.

Makalipas ang ilang oras matapos umalis si Dani, bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok sina Drake at Dustin. Bakit nandito 'tong mga 'to?

"Anong ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Sinusundo ka." sagot ni Dustin. Sinusundo?

"At saan naman tayo pupunta? Tiyaka 'di niyo naman ako sinabihan na may lakad tayo ngayon." sabi ko.

"Wala ka ba talagang idea kung anong meron sa araw na 'to?" parang naiinis na tanong ni Drake.

Ano bang pinagsasabi nila? Baka pinagti-tripan lang ako ng dalawang 'to. Pero base sa mga mukha nila, paranh hindi.

"Bukod sa wala tayong pasok at rest day ngayon, ewan ko. Bakit? Ano bang meron ngayon?" naguguluhang wika ko.

"Birthday ngayon ni Dani!" sabay na sabi nila. Natigilan ako sa narinig.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon