IAHPA 3

1K 48 21
                                    

Ice's POV

Nakakabadtrip!

Sino ba 'yong baklang 'yon?

Siya yung kauna-unahang tao na trumato sa 'kin ng ganun. Halos lahat ng taong nakakasalamuha ko, natutulala at kinikilig dahil sa kagwapuhan ko pero siya? Hindi man lang ako nginitian. Imbis na matulala at kiligin, tinarayan lang ako.

Pambihira!

Pakiramdam ko nabawasan yung kagwapuhan ko dahil sa ginawa niya. Nakakabadtrip talaga!

Kapag nakita ko ulit siya, sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya.

Matapos ang ilang sandaling pagtayo ko sa hallway, umalis na ako roon at naglakad na papunta sa dressing room ko. Mabuti na lang at mamaya pa yung guesting ko sa isang show kaya hindi ako masesermonan ni Ana.

Pero sa kasamaang palad, bago pa ako makarating sa dressing room ko, biglang may sumulpot na grupo ng mga babae at iilang bakla sa harap ko. Hindi ko alam na may nag-aabang pala sa 'kin dito.

Agad nila akong pinalibutan at ang ilan ay niyakap pa ako. Wala naman akong magawa para pigilan sila. Lagpas sampu silang nandito at iisa lang ako, wala akong laban.

Nasaan ba yung mga nagbabantay dito? Bakit ngayon pa sila wala?

"Ice, papicture!" sabi ng isang babaeng yumakap sa 'kin. Ngumiti naman ako sa harap ng cellphone niya. Pagkatapos niya, sumunod naman ang iba pa niyang kasama.

Gustong-gusto ko ng umalis pero hindi ko magawa dahil bukod sa napapalibutan nila ako, ayoko namang isipin nila na masama ang ugali ko. Ayokong isipin nila na lumaki na ang ulo ko dahil naging sikat na ako.

May dala rin silang banner at nagrequest na pirmahan ko ito. Agad ko naman itong ginawa para matapos na at makaalis na ako rito. Matapos kong pirmahan ang mga banner na dala nila, akala ko ay aalis na sila pero hindi pa pala.

"Ice, pwedeng pa-video greet? Magbi-birthday na kasi yung pamangkin ko next week at idol ka niya." nakangiting sabi ng isang babae na kasama nila. Tumango naman ako. Wala naman kasi akong ibang pagpipilian pa.

Matapos ang pagkuha nila ng video greetings, nakahinga ako ng maluwag dahil nagpaalam na sila.

"Thank you, Ice! Thank you po sa time!" sabi nila at naglakad na palayo.

Inayos ko muna ang damit kong nagusot bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa dressing room ko. Nang makarating sa harapan ng pinto, nakauwang ng bahagya ang pinto kaya narinig ko ang sinabi ng isang  taong pamilyar ang boses.

"Oo nga. Nasaan na ba yung Ice Perez?"

Hindi ako pwedeng magkamali, boses yun nung baklang nakabunggo ko kanina. Siguradong-sigurado ako.

Agad kong binuksan ang pinto dahilan para mapatingin sila sa 'kin. Napangisi ako nang makita ko ang gulat sa mukha niya.

"Looking for me?" nakangisi kong saad. Nanlaki ang mga mata niya nang sabihin ko 'yon.

"Ikaw?!" gulat na gulat na sabi niya. At talagang tumayo pa siya! Grabe ba 'yong pagkagulat niya?

"Ako nga. Wala ng iba pa." nakangiti kong sabi at kinindatan siya.

He should be thankful. Kinindatan lang naman siya ng isang gwapong nagngangalang Ice Perez.

Halos matawa naman ako nang makita ang mukha niyang mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Ice, I'm glad that you're already here. By the way, this is Dani Viceral..." pakilala ni Ana doon sa taong 'yon.

So Dani pala ang pangalan niya? Hindi na rin masama.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon