IAHPA 14

988 61 21
                                    

Dani's POV

"Hay salamat!"

Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit. Dinama ko ang lambot ng kamang hinihigaan ko. Ang sarap sa pakiramdam.

Linggo ngayon at walang trabaho si Ice. Maging ako ay wala ring ibang gagawin. Nandito ako sa bahay niya. Wala naman kasi akong ibang pupuntahan ngayon. Ayaw ko namang pumunta sa apartment ni Ali kasi alam kong wala siya roon, may lakad yata ang gaga.

Kaya heto, baka buong araw akong hihilata sa kama.

Kakatapos ko lang rin kumain ng almusal kasabay si Ice. Nandito na rin si Manang Faye at baka naglilinis na  siya sa baba ngayon.

Ibinuka ko ang mga braso ko at humugot ng malalim na hininga. Deserve na deserve ko ang pahinga na 'to.

Lately kasi, palaging may meeting si Ice kasama yung mga management. May bagong project yatang niluluto para sa kanya. Nakabuntot naman ako palagi kay Ice. Kahit na wala naman akong gagawin dun sa meeting nila, pinapasama niya pa rin ako. Kaya ito, pagod na pagod ako.

Inabot ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras.

8:53 AM

Ang aga pa pala.

Dumapa ako at pumikit ulit. Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa. Ilang beses akong nagpabaling-baling ng pwesto sa kama ngunit hindi pa rin ako makatulog.

Umupo na lang ako at ginulo ang buhok ko. Jusko 'day! Bakit ayaw akong dalawin ng antok ngayon? Imbyerna naman.

Anong gagawin ko ngayon?

Sa hindi malamang dahilan, dumapo ang paningin ko sa cabinet. Naalala ko ang mga damit kong hindi ko pa naaayos doon. Tutal, wala naman akong gagawin ngayon, mas mabuti sigurong ayusin ko ang mga damit ko.

Tumayo ako at nilapitan ang cabinet tiyaka ito binuksan. Nakita ko ang mga damit kong basta-basta ko lang pinasok doon.

Kung nandito yung nanay ko, paniguradong kanina pa ako tinatalakan nun. Ang kalat kasi ng mga gamit ko.

Isa-isa kong nilabas sa cabinet ang mga damit at nilagay sa ibabaw ng kama. Nang mailabas ko na lahat, lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Parang natuyo ang lalamunan ko.

"O Dani, bakit parang pinagpapawisan ka?" tanong ni Manang Faye nang maabutan niya ako sa kusina.

"Nag-aayos po kasi ako ng gamit ko sa kwarto." sagot ko. Hindi na rin ako nagtagal doon at nagpaalam na kay Manang bago pumanhik ulit.

Pagbalik ko sa kwarto, parang nakaramdam ako ng init. Binuksan ko ang bintana ngunit mainit pa rin. Binuksan ko na rin ang pinto pero wala pa ring effect.

Hindi na ako nakatiis kaya kinuha ko na ang tuwalya at damit ko bago nagtungo sa banyo. Kailangan ko munang maligo para maging presko ang pakiramdam ko habang nag-aayos.

"Sarap!" sambit ko nang maramdaman ang pagdaloy ng tubig mula sa shower papunta sa katawan ko.

Medyo natagalan pa ako sa banyo dahil nagbabad pa ako sa shower. Nang matapos, lumabas na ako habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko.

"Shemay!" Gulat akong napasigaw nang makita ang mga punit kong damit na nakakalat sa kama at sahig. Nakita ko rin ang may pakana ng lahat ng ito, naroon sa kama at nginangatngat ang isa ko pang T-shirt.

"Aphrodite! Anong ginawa mo?" halos mangiyak-ngiyak kong saad.

Paano 'to nakapasok dito?

Dumapo ang paningin ko sa pinto. Nakabukas ito.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon