IAHPA 42

1K 63 11
                                    

A/N: Happy monthsary, ViceIon! Maraming paayuda kahapon kaya may paayuda din ako ngayon. Enjoy! Enjoy! Enjoy! ;)

P.S. 1 chapter to go then epilogue na.

~KahelAtRosas



—•—



Dani's POV

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto. Dumagdag pa sa ingay ng tilaok ng mga manok. Ano bang meron at umaga pa lang pero ang ingay na? Jusko 'day! Inaantok pa ako e.

Bumaling ako sa kabilang side ng kama para sana yakapin ang katabi ko pero sa kama lang lumagapak ang kamay ko. Kumunot ang noo ko sa pagtataka at kinapa ang pwesto ni Ice pero wala talaga akong mahawakan. Napamulat na ako at tama nga ang hinala ko na ako na lang mag-isa ang nandirito sa kama ngayon.

Nasaan siya? Ang aga naman niya yatang gumising. Naunahan pa ako.

Dumapo ang paningin ko sa katabing mesa at kinuha ang nakitang papel na pinatungan ng cellphone ko. Kusang sumilay ang ngiti sa labi ko nang malamang kay Ice galing ito.

Dandan ko,

Good morning! For sure wala na ako sa tabi mo pag nagising ka pero don't worry, wag mo kong mamimiss ng sobra dahil magkikita naman tayo mamaya. Smile ka na. I love you! <3

Your Handsome Fiancé,
                                              Yelo

Kahit kailan, ang hangin talaga nito. Kaloka!

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Ana at Ali. May dala silang bag na hindi ko mawari kung anong laman.

"Sakto, gising ka na. Tayo ka na diyan." sabi ni Ana at hinila ako patayo.

"Huy, teka lang! B-bakit?" naguguluhang tanong ko. Nakita kong kumuha sa cabinet si Ali ng damit ko at binigay sa 'kin. Hinila ulit ako ni Ana palabas ng kwarto.

"Teka lang, dahan-dahan naman." sita ko sa kanya pero hindi siya nakinig.

"Maligo ka, bilisan mo." aniya at itinulak ako papasok ng banyo. Siya pa mismo ang nagsara ng pinto.

Napanganga na lang ako dahil sa bilis ng mga pangyayari. Parang kanina lang kilig na kilig pa ako dahil dun sa letter ni Ice tapos ngayon, kinaladkad ako nung babaeng yun papunta rito sa banyo. Jusko 'day! Nakakaloka ang mga pangyayari.

Bigla akong napaatras nang may humampas sa pinto. Sa gulat ko ay halos mabitawan ko pa ang damit na hawak ko.

"Maligo ka na, Dani!" sigaw ni Ana mula sa labas.

Bakit ba siya nagmamadali! Ano bang nangyayari? Ang weird na talaga ha.

Sinabit ko na lang ang hawak kong damit at tuwalya tiyaka nagsimulang magbuhos ng tubig sa katawan. Dahil na rin sa pagmamadali ni Ana ay mabilis akong natapos sa pagligo.

"Kumain ka na muna, baka himatayin ka mamaya." saad ni Ali nang makarating kami sa kusina. May almusal na nakalatag sa lamesa.

"Himatayin? Bakit naman?" tanong ko. Akala ko si Ana lang ang weird, pati pala siya.

"Wag na maraming tanong, kain ka na lang." sabi pa niya. Kunot-noo akong umupo at kumain na.

Pasimple ko pa silang sinusulyapan at tahimik lang naman silang nakatutok sa cellphone nila habang hinihintay akong matapos.

"Nasaan yung iba?" tanong ko habang naglalakad na kami pabalik sa kwarto.

"Umalis lang saglit." Napatango na lang ako sa sagot ni Ali. Pumasok na kami sa kwarto. Nabigla ako nang makita ang mga make-up ni Ali na nakalatag sa mesa.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon