Special Chapter

925 50 3
                                    

A/N: Yung mga ganap dito is yung mga nangyari nung nag-inuman sina Ice kasama si Kap. Check IAHPA 40 para maintindihan niyo.

~KahelAtRosas



—•—



Ice's POV

"Ice iho, gusto ko sanang magsorry sa nagawa ng anak ko sa inyo ni Dani." sinserong paumanhin ni Kap habang papasok kami sa bahay nila.

"Okay na po yun. Tapos na po e." saad ko. Kahit na magalit pa ako sa anak niya, hindi na nito mababago pa ang nangyari.

"Hindi ako papayag na hindi ako makakabawi sa inyo lalo pa't nalaman ko na naghiwalay na pala kayong dalawa." malungkot na aniya. Kita sa mukha niya ang labis na pagkakonsensya.

"Oo nga po e, nasaktan po siguro siya."

"Tutulungan kitang magkabalikan kayo." puno ng determinasyon na sabi ni Kap.

"Paano naman po?"

"Pag-uusapan natin 'yan. Halika, maupo muna tayo rito." Sumunod ako sa kanya papunta sa mesang nakahanda na sa labas ng bahay nila.

May lumabas na lalaki, si Macoy, sa bahay nila dala ang isang gallon na hindi ko alam kung anong laman. Kulay pula. Inilagay ni Macoy ang mga dala niya sa mesa at umupo naman si Kap.

"Umiinom ba yung mga kasama mong lalaki?" Tumango ako sa sinabi niya dahilan para mapangiti siya.

"Mabuti naman." aniya.

"Macoy, kadtua it iya mga sangkay. Signga pinakanhi nak." (Macoy, puntahan mo yung mga kaibigan niya. Sabihin mo pinapapunta ko.) baling niya kay Macoy. Hindi ko alam kung anong sinabi niya basta't tumango na lang si Macoy at naglakad na palabas.

"Bakit po nandito sa bahay niyo si Macoy?" nagtatakang tanong ko at umupo na rin.

"Nagtatrabaho kasi siya rito sa bahay. Pandagdag tulong na rin sa pamilya at pag-aaral niya." paliwanag nito. Napatango na lang ako.

"Ano po 'to?" pang-uusisa ko sa gallon na nasa harap namin. Nagmumukha akong chismoso nito pero curious talaga ako e.

"Tuba 'yan."

"Tuba?" Parang narinig ko na yun pero ngayon pa lang ako nakakita nito sa personal. Puro alak at wine lang kasi natitikman ko sa Maynila.

"Oo, alak din 'to na galing sa puno ng niyog. Pero hindi katulad ng ibang alak, hindi ito masama sa katawan kasi sa niyog naman galing. Wag lang sumobra sa pag-inom." paliwanag niya.

"Pero nakakalasing pa rin po ba 'to?" Curious talaga ako e.

"Hindi naman, sakto lang." nakangiting sabi niya. Bakit iba pakiramdam ko dun sa sinabi niyang sakto lang? Bahala na, hindi naman ako mabilis malasing.

Nanatili kaming nakaupo. Hindi pa rin binubuksan ni Kap ang gallon na tuba ang laman. Hindi na ako nagtanong pa kung bakit. Nakakahiya, kanina pa ako tanong ng tanong. Inilibot ko na lang ang paningin ko at tiningna ang paligid.

Dalawang beses na akong nakapunta rito pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Probinsiya na probinsiya kasi talaga ang itsura dito. I mean, hindi siya katulad ng ibang probinsiya na napuntahan ko na medyo wala ring pinagkaiba sa Maynila. Dito, ramdam na ramdam mo talagang nasa probinsiya ka. Karamihan sa mga bahay ay gawa sa kahoy. Maging itong bahay ni Kap ay gawa rin sa kahoy. Ang mga tao ay napakasimple, walang kahit anong kolorete sa mukha pero maganda pa ring tingnan dahil sa mga ngiti nila.

Nakarinig kami ng ingay na mukhang papalapit sa 'min. Nakita namin si Macoy na naglalakad na palapit habang kasama si Drake at Dustin. Ano namang ginagawa nila rito?

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon