IAHPA 13

942 49 25
                                    

Dani's POV

Tahimik lang ako sa buong biyahe papunta sa bahay ni Ice. Kinakabahan kasi ako. Maging si Ice ay tahimik lang rin. Tanging ang sasakyan lang ang nagdudulot ng ingay.

Nang makarating kami sa bahay niya, bumaba agad siya at iniwan ako roon. Hindi man lang nag-abalang tulungan ako. Wala talagang bahid ng pagiging gentleman ang lalaking 'to.

Napabuntong-hininga na lang ako bago bumaba at kinuha sa backseat ang mga gamit ko. Sumunod ako sa kanya papasok sa bahay. Agad namang may sumalubong sa 'ming matandang babae. Mukhang kaedad lang ni Mang David.

"Andito ka na pala, Ice. Hindi ko pa tapos lutuin yung hapunan." sabi ng matandang babae kay Ice.

"Okay lang, Manang. Hindi pa naman po ako masyadong gutom." sabi ni Ice sa kanya. Bakit parang naging mabait 'to bigla?

Dumapo naman sa 'kin ang paningin nung babae kaya ngumiti ako sa kanya.

"May kasama ka pala." nakangiting saad nito.

"P.A ko po. Dito na siya titira." sabi ni Ice.

"Hello po! Ako po si Dani Viceral. Nice to meet you po." magalang na pakilala ko.

"Ako si Manang Faye, kasama dito ni Ice pero umuuwi ako sa bahay namin kapag gabi. Nice to meet you din, Dani." masayang sabi nito.

"Sumunod ka sa 'kin, ituturo ko kung saan ang kwarto mo." sabi ni Ice at naglakad. Susunod na sana ako nang magsalita si Manang.

"Ako na ang magdadala niyang mga gamit mo." alok niya pero umiling ako.

"Hindi na po. Kaya ko na 'to." sabi ko.

"O siya sige. Maiwan ko na muna kayo at aasikasuhin ko pa ang hapunan ninyo." sabi ni Manang Faye at dali-daling umalis sa harapan ko.

Agad naman akong sumunod kay Ice papunta sa second floor. Mabuti na lang at naabutan ko pa siya.

"Ito ang kwarto mo." sabi niya matapos buksan ang isang silid. Tumambad naman sa 'kin ang malinis na loob ng kwarto. Hindi ito gaanong malaki pero hindi rin maliit, kasya na sa isang taong gagamit ng silid na 'to.

"Ayusin mo na ang mga gamit mo at bumaba ka agad." sabi niya at iniwan ako. Pumasok naman ako at inilapag sa kama ang mga gamit ko.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto. Halos kumpleto na lahat ng gamit dito. Nilapitan ko ang isang pinto at binuksan ito. Bumungad sa 'kin ang banyo. Hindi kalakihan ang banyo na 'to pero sakto na para sa 'kin. May mga gamit din doon kagaya ng sabon, shampoo, at mga toothbrush na hindi pa gamit. Oo, MGA talaga. Ang dami kasi nung toobrush. May towel din na nakasabit doon.

Sinara ko na ang pinto sa banyo at nilapitan ang mga gamit ko. Nilagay ko ang mga damit ko sa cabinet na naroon. Hindi ko muna tinupi ang mga yun at basta na lang inilagay. Sa ibang araw ko na lang aayusin yung mga yun.

Nang mailagay ko na sa cabinet ang mga damit ko, kinuha ko naman ang mga picture  frames na may litrato ko at ng pamilya ko. Nilagay ko ito sa mesa at inayos.

Nang matapos, itinabi ko ang bag na pinaglagyan ko ng mga gamit at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at hinanap ang kusina. Hindi rin naman ako nahirapan sa paghahanap ng kusina dahil hindi naman masyadong malaki ang bahay ni Ice.

Nakita ko si Ice na nakatayo at nakatalikod sa gawi ko. Naroon rin si Manang na naghahanda na ng hapunan.

"Halika na, Dani. Kumain na kayo." sabi ni Manang. Naglakad naman ako papalapit sa kanila.

Bago pa ako tuluyang makalapit, may narinig akong tahol ng aso. Pagtingin ko sa likod ko, may nakita akong asong tumatakbo papalapit sa 'kin kaya dali-dali akong napatakbo sa likod ni Ice.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon