IAHPA 4

964 48 15
                                    

Dani's POV

Pabagsak akong umupo sa sofa pagkadating namin ni Ali sa apartment. Lagpas alas-nuwebe na ng gabi natapos yung taping nina Ice kaya ngayon lang kami nakauwi.

"Nakakapagod." mahinang sabi ko at ipinikit ang mga mata habang nakasandal sa sofa.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapagod kung utos ng utos yung Ice na yun? Tuwing break, pupunta sa backstage tapos kung ano-ano ang iuutos sa 'kin. Gusto niya ng ganito, gusto niya ng ganiyan. Kahit walang kwentang bagay, iuutos niya pa. Wala naman akong magawa kung hindi sumunod. Kaya ito, pagod na pagod ako.

"Ikaw na." sabi ni Ali pagkalabas niya ng banyo. Tapos na siyang maglinis ng katawan at nakatapis lang ng tuwalya. Hindi na rin naman kami nahihiya sa isa't isa. Pareho naman kaming babae. Well ako, pusong babae. Tiyaka ilang taon na rin naman kaming magkasama, ngayon pa ba kami makakaramdam ng hiya at pagkailang sa isa't isa?

Tumayo na ako at kumuha ng damit at tuwalya sa kwarto bago tinungo ang banyo. Hindi na ako nagtagal pa sa banyo dahil gusto ko na talagang matulog.

"Kakain ka pa ba?" tanong ni Ali pagkalabas ko ng kwarto.

"Hindi na. Tapos na rin naman tayo kumain kanina." sabi ko at isinampay ang tuwalya.

Bago kasi kami umalis kanina, nag-order ng dinner sina Drake para sa 'min kaya hindi kami nagutom. Celebration na rin daw 'yon dahil may nadagdag sa barkada nila. Ang sweet ni Drake, 'di ba? Kaya pala nagkagusto sa kanya si Ali.

Sinara na ni Ali ang pinto at mga bintana. Sabay na kaming pumasok sa kwarto at humiga sa kanya-kanya naming higaan. Tumihaya ako at ipinikit ang mga mata. Kahit papaano ay nabawasan ang pagod na nararamdaman ko nang makahiga na ako.

"Dani?" rinig kong tawag ni Ali. Gising pa pala siya.

"Hmm?" nakapikit na tugon ko.

"Ang saya pala 'no?" Kumunot ang noo ko sa itinuran niya.

"Masaya ang alin?"nakapikit pa rin na tanong ko.

"Yung makasama ka sa trabaho." sabi niya. Sumilay naman ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya.

Totoo, ang saya nga. Ito kasi yung unang beses na magkasama kami sa trabaho and I can say na masaya talaga kasi komportable ako sa kasama ko sa trabaho.

Dumilat ako at napatitig sa kisame. Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina. Kahit na bwisit na bwisit ako kay Ice, hindi ko maipagkakaila na sumaya ako kanina dahil sa mga kasama ko. Sa mga naging trabaho ko noon, may mga naging kaibigan din naman ako sa mga naging katrabaho ko pero iba yung nararamdaman ko ngayon. Mas komportable akong kasama sila.

Unang araw ko pa lang sa trabaho pero naramdaman ko na agad ang pagtanggap nila sa 'kin. Iyong mga ngiti at tawa nila, sobrang nakakagaan sa pakiramdam. Iyong mga biro ni Drake at Dustin na corny minsan at yung pagsaway ni Ana kapag nagbabangayan kami ni Ice, lahat 'yon napasaya ako ngayong araw.

Sana magtagal na talaga ako sa trabahong 'to.

"Oo nga, ang saya. Thank you kasi naging way ka para makilala ko sila." nakangiting baling ko kay Ali.

"No problem. Alam kong masaya rin sila na nakilala ka nila lalo na si Ice." may halong pang-aasar na sabi ni Ali. Sumama naman agad ang timpla ng mukha ko.

"Papanindigan mo talaga 'yang pang-aasar sa 'kin diyan sa kumag na 'yan 'no?" nakangiwing sabi ko. Halos buong maghapon niya yata ako inaasar sa lalaking 'yon.

"Syempre. I trust my feelings. Alam kong meant to be kayo ni Ice." Napairap na lang ako sa narinig ko.

Biglang kong naalala ang mga nangyari kanina, kung paano ako tratuhin ni Ice. Hindi ko alam kung iniinis lang ba niya ako kanina kaya panay ang utos niya.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon