IAHPA 41

1.3K 59 46
                                    

Ice's POV

Aray!

Nakakunot ang noo at nakahawak sa ulo akong umupo sa kama. Parang pinupokpok ang ulo ko sa sakit. Hindi naman ako masyadong nalasing kagabi pero ang sakit pa rin.

Pambihira! Bakit ba kasi ako naniwala kay Kap na hindi sasakit ulo ko dun? Iba talaga epekto ng tuba.

Bumangon na ako nang mapansin na ako na lang ang naiwan dito sa kwarto. Anong oras na ba at ang aga naman yata nilang nagising?

Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang oras.

10:25 AM

Malapit na pala magtanghali. Ang haba naman ng tulog ko. Kumuha ako ng tuwalya at damit. Maliligo muna ako para naman mabawasan 'tong sakit ng ulo ko.

Lalabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Drake.

"Maliligo ka na?" tanong niya. Tumango ako.

"Wag na, maliligo naman daw tayo mamaya dun sa dagat." sabi pa niya. Magswi-swimming kami?

"Sigurado ka?" Tumango siya kaya ibinalik ko na lang ulit ang mga dala ko.

"Sino pala naghatid sa 'yo kagabi?" tanong niya.

Napahinto ako. Biglang may alaalang pumasok sa isip ko. Medyo may tama na ako pero nasa katinuan pa rin. Naglalakad ako sa daan habang may isang taong nakaalalay sa 'kin.Isang taong may ngiti na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa sarili ko. Isang ngiting pagmamay-ari ng taong laman ng puso ko. Si Dani.

Mahal niya pa kaya ako kaya niya ginawa 'yon?

Napangiti ako nang maisip na malaki ang chance na totoo ang iniisip ko. Mahal pa niya ako. At isa pang pruweba nun ay yung sin—

"Aray!" Sinamaan ko ng tingin si Drake matapos niya akong batuhin ng damit.

"Natulala ka na kasi diyan.Tinatanong kita pero 'di ka naman sumasagot. Nangingiti ka pa. Nababaliw ka na ba?" nang-aasar na sabi niya.

"Oo, baliw na baliw kay Dandan." malawak ang ngiti na sabi ko.

"Ang corny mo, Ice Perez!" natatawang sabi niya at tila nandidiri na tiningnan ako.

"Tara, labas na tayo." yaya ko.

"Hoy, teka lang! Sino muna naghatid sa 'yo?" pahabol niyang sigaw.

"Sikretong malupet!" sabi ko at dire-diretsong lumabas.

Kumulo bigla ang tiyan ko kaya dumiretso na ako sa kusina. Natigilan ako nang madatnan si Dani na kumakain sa hapag. Kagigising lang din ba niya?

"Ice, gising ka na pala. Halika ka, kain ka muna." sabi ni Tita Mara.

"Good morning po." sabi ko at umupo sa tapat ni Dani. Nahuli ko itong sumulyap sa 'kin pero agad ding nag-iwas nang makitang tumingin ako.

Pinigilan ko ang pagngiti ko at kumuha na lang ng pagkain. Tanging ingay lang ng kutsara at tinidor pati na rin ang lagaslas ng tubig sa lababo na ginagamit ni Tita ang maririnig sa kusina. Ni isa sa 'min walang nagsasalita. Abala si Tita sa paghuhugas ng mga pinggan habang ako at itong kaharap ko ay mistulang may pader na nakaharang sa pagitan namin.

Nagpipigil ako ng ngiti nang may maalala na naman.

"Ice, gusto mo bang gawan kita ng kape? Para naman mabawasan 'yang sakit ng ulo mo." pagbasag ni Tita Mara sa katahimikan. Pati iniisip ko ay nabasag din tuloy.

"Hindi na po, medyo umookay na rin naman po ang pakiramdam ko." magalang na pagtanggi ko sa alok niya. Totoo naman, nawawala na ang sakit ng ulo ko pero pinalitan naman ng paglakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaharap ko ngayon.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon