IAHPA 18

1K 63 24
                                    

Ice's POV

"Dali na, Sir Ice! Tayo na lang nandito." rinig kong tawag ni Dani mula sa labas ng banyo.

Kakatapos lang ng trabaho namin at pauwi na kami. Laking pasasalamat ko naman kasi maagang natapos ang trabaho namin kaya ibig sabihin, maaga akong makakapagpahinga.

Marahil ay kaming dalawa na lang ni Dani ang naiwan dito sa dressing room. Yung ibang mga kasama namin, nauna nang umalis siguro.

Kanina pa ako rito sa banyo at nagbibihis. Ang hirap naman kasi hubarin ng damit na 'to. Nang sa wakas ay mahubad ko na ito, sinuot ko na agad ang T-shirt ko.

"Ito na! Teka lang!" sagot ko at binuksan ang pinto tiyaka lumabas.

"Bagal mo talaga kumilos." sabi niya at kinuha na ang mga gamit namin.

Magmula noong araw na nagkaayos kami, medyo nabawasan na ang pagiging masungit niya sa 'kin at ganoon din ako sa kanya. Medyo lang naman kasi minsan tinotopak pa rin kami pareho. Hindi rin nawala ang pang-aasar ko sa kanya. Panay ang tawag ko sa kanya ng Jose Danilo. Ang saya kasi makitang napipikon siya. Parang medyo nasasanay na rin naman siya sa 'kin.

Lalabas na sana kami nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Teka, tumatawag si Mama. Sagutin ko muna 'to." sabi ko at tumango  naman siya.

"Hintayin na lang kita sa labas." sabi niya at naglakad na palabas ng dressing room.

"Hello Ma?"

(Hi anak! Pwede ka bang dumalaw dito ngayon?)

Natigilan ako sa sinabi niya. Anong isasagot ko?

"Bakit?"

(I just want to talk to you, anak. Please come over here.)

Huminga ako ng malalim at walang choice na sumagot.

"Okay Ma. Pupunta ako diyan."

Lumabas ako ng silid at nakita si Dani sa labas.

(I'll wait for you. See you later. Ingat and I love you.)

Binaba ko na ang tawag at sinara ang dressing room. Napansin kong tinitingnan ako ni Dani. Marahil ay nagtataka siya sa pagbabago ng mood ko.

Matapos masiguradong nakasara ang pinto ng dressing room, naglakad na kami palabas ng building. Pagkarating sa sasakyan, niligay na niya sa likod ang mga gamit at umupo sa passenger seat. Nagmaneho na ako at binaybay ang daan papunta sa bahay namin.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Dani nang niliko ko ang daan papunta sa village kung nasaan ang bahay namin.

"Sa bahay." maikling sabi ko.

"Hindi naman ito yung daan pauwi sa bahay ah." sabi niya

"Sa bahay namin." sagot ko.

Pinapasok agad kami sa village nang makita ng guard na ako nakasakay sa kotse. Mayamaya lang ay inihinto ko na ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. May naramdaman akong kirot nang makita ang bahay namin.

"Dito ka na lang maghintay." sabi ko at bumaba na.

Binati ako ng guard na nakabantay sa gate nang pumasok ako. Dumiretso ako sa taas kung nasaan ang kwarto nina Mama. Sinabi kasi ng kasambahay na nandoon siya.

Bumigat ang pakiramdam ko nang pumasok ako dito. Parang bumalik lahat ng sakit.

Tiningnan ko ang paligid. Ang laki ng bahay na 'to pero walang kabuhay-buhay. Dati ang saya rito pero ngayon ang lungkot na. Ang daming nagbago magmula noong nangyari 'yon. Nang dahil sa 'kin, nagkaganito lahat.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon