IAHPA 9

864 43 17
                                    

Ice's POV

Linggo ngayon, rest day. Maaga akong nagising ngayong araw. Alas-sais pa lang ng umaga, gising na gising na ang diwa ko.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos maligo at dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Manang Faye na naghahanda ng almusal. Nandoon din si Aphrodite na kumakain ng dog food.

"Good morning, Manang!" masigla kong bati pagkapasok sa kusina. Napalingon naman siya sa 'kin.

"Good morning, Ice. Ang aga mo yatang nagising ngayon." sabi niya. Usually kasi tanghali na akong nagigising kapag wala akong trabaho.

"Balak ko po kasing magjogging ngayon." sabi ko at kumuha ng tinapay sa mesa.

"Manang, pupunta lang po kami sa garden ni Aphrodite." paalam ko kay Manang.

"O sige. Tatawagin na lang kita kapag handa na ang almusal." sabi niya. Kinarga ko si Aphrodite at dinala sa garden. Agad naman itong tumakbo sa damuhan. Ako naman ay humiga sa duyan na nakatali sa magkabilang puno.

Ito talaga ang pinakapaborito kong lugar dito sa bahay bukod sa kwarto ko. Ang sarap sa pakiramdam tumambay dito. Tumatama sa balat ko ang malamig na hangin.

Mas lalong nakadagdag sa ganda ng lugar na ito ang mga bulaklak na alagang-alaga ni Manang Faye. Mayroon ding hardinero na pumupunta rito linggo-linggo.

Kahit na medyo sumisikat na ang araw, hindi naman ako natatamaan ng sinag nito dahil sa mayabong na puno kung saan nakatali itong duyan.

Napakapayapa sa pakiramdam.

Pumikit ako at dinama ang simoy ng hangin. Parang ang payapa ng mundo kapag nandidito ako. Walang problema.

Mayamaya lang ay tinawag na ako ni Manang. Luto na siguro yung almusal. Kinuha ko na si Aphrodite at pumasok na sa bahay. Dumiretso ako sa kusina at kumain na.

Nang matapos ay umakyat ulit ako sa kwarto at nagpalit ng damit na susuotin ko sa pagja-jogging. Itim na sleeveless shirt at itim na shorts ang napili kong suotin. Pinaresan ko ito ng sapatos.

Pagkatapos mag-ayos, bumaba na ako at pinuntahan ang aso ko. Nilagyan ko ito ng tali. Balak ko kasing isama siya mamaya.

Nang maihanda ko na lahat pati ang tumbler na dadalhin ko, lumabas na ako ng bahay habang hawak sa kaliwang kamay ang tali ni Aphrodite. Baka kasi makawala pa 'tong aso ko at tumakbo sa kung saan. Ayokong mawalan ng baby. Nilagay ko naman sa bulsa ko ang tumbler.

Habang nagja-jogging, may mga nakakasulubong akong nakatira rito sa village na nagja-jogging din. Ang ilan sa kanila ay napapatingin pa sa 'ki. Hindi ko na lang sila pinapansin. Hindi ko rin naman kasi sila kilala. Nang makarating sa park dito sa loob ng village namin, nagdesisyon akong magpahinga muna roon.

May mga batang naglalaro roon kasama ang kanilang mga yaya. Ramdam ko ang titig ng mga yaya nang pumasok ako sa park. Parang naagaw ko bigla ang atensiyon nila. Sabagay, sa gwapo ko ba namang 'to, siguradong maagaw ko ang atensiyon ng kahit sino.

Hindi ko na lang sila pinagtuonan ng pansin at umupo sa isang bench. Binuksan ko ang tumbler at uminom. Medyo malayo na rin pala ang natakbo ko.

May iilang yaya na naaabutan kong nakatingin sa 'kin at mag-iiwas agad ng tingin kapag nakikita ko. Pakiramdam ko gusto nilang lumapit sa 'kin pero nahihiya lang. Naiintindihan ko sila. Kahit naman kasi sino ay mahihiya sa kagwapuhan ko.

Mahina akong natawa at tumingin sa aso ko na parang may hinahanap na kung ano sa damo.

Tumayo na ako at lumabas sa park. Naglakad na ako kasama si Aphrodite pabalik sa bahay. Pagdating doon, iniwan ko muna yung aso kay Manang habang ako ay umakyat sa kwarto para magpahinga muna at maligo na rin.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon