IAHPA 31

1.2K 51 50
                                    

Dani's POV

Matapos ang mahigit isang oras na biyahe, lumapag na ang eroplano na sinasakyan namin sa airport ng Tacloban. Sinuot muna namin ang mask naming dalawa ni Yelo pati ang cap namin bago bumaba sa eroplano at tuluyang lumabas sa airport.

Agad akong pumara ng taxi. Gusto ko nga sana magtraysikel na lang kaso ang layo ng terminal dito sa airport.

Halos kalahating-oras din ang itinagal namin bago kami makarating sa bus terminal. Van sana ang sasakyan namin papunta sa bayan namin kaso nagpumilit na naman 'tong isa na bus na lang daw. Pumayag na rin naman ako kasi ngayong nasa probinsiya na kami, maliit na lang yung chance na may makakilala pa sa kanya. Nakasuot pa siya ng mask at cap kaya malabo na talagang mangyari 'yon.

Nang maibaba na ang lahat ng gamit namin sa taxi, si Ice ang naghila ng dalawang maleta namin at ako naman ang nagbitbit sa bag namin. Gusto pa nga niyang kunin sa 'kin 'yong bag pero umangal ako. Kaya ko namang dalhin 'to kaya bakit ko pa ipapadala sa kanya?

Lumapit kami sa isang lalaking mukhang driver ng bus.

"Kuya, hain it bus pakadto Abuyog?"(Kuya, saan yung bus papuntang Abuyog?) tanong ko. Tinuro naman nito ang bus na 'di kalayuan sa 'min.

"Pare! Adi nim pasahero, pakadto daw Abuyog." (Pare! Ito pasahero mo, papunta raw sa Abuyog.) pagtawag ng driver na kausap namin sa lalaking nakasandal sa bus na tinuro niya kanina.

Agad naman lumapit sa 'min ang lalaking tinawag ni mamang driver at inalalayan kami papunta sa bus na sinasandalan niya kanina. Nilagay namin yung mga maleta namin sa ilalim ng bus habang yung dalawang bag naman namin ni Ice ay binitbit namin sa pagpasok.

Magkatabi kaming umupo sa may upuan, second to the last row. Sa may bandang bintana ako umupo.

"Kanina ka pa tahimik ha." pansin ko kay Ice. Magmula kasi nang pumunta kami dito sa terminal, hindi na siya nagsalita.

"Alangan namang sumabat ako sa usapan niyo kanina nung lalaki e hindi ko nga naiintindihan yung mga pinagsasabi niyo." reklamo niya at sumimangot. Natawa naman ako.

Oo nga pala, hindi pala 'to nakakaintindi ng Waray.

"Matututo ka rin ng Waray." natatawang sabi ko. Hindi siya umimik at sumandal sa balikat ko.

Napansin ko naman ang dalawang babae sa may unahan na panay ang lingon sa gawi namin. Parang mga kinikilig. Napagtanto ko na si Ice ang tinitingnan nila.

Ang haharot ng mga 'to!

"Grabe talaga ang charm mo 'no? Kahit saan ka pumunta may nakukuha kang atensiyon." mahinang sabi ko kay Ice. Tumingala naman siya sa 'kin na parang nagtataka kaya tiningnan ko yung mga babae na nakatingin pa rin sa amin este sa kanya pala.

Mabilis na nag-iwas ng tingin ang dalawang babae nang tumingin sa gawi nila si Ice. Mahinang natawa naman 'tong katabi ko.

"Selos ka naman diyan, hmm?" malambing na sabi niya.

"Hindi ah. Nagtataka lang kasi ako, kahit na nakamask ka na, may mga babae pa ring kinikilig sa 'yo kahit hindi naman kita yung mukha mo." Ang weird lang.

"Ganun talaga basta gwapo." sabay kindat niya. Ang hangin talaga!

"Ikaw nga, agaw-atensiyon 'yang blonde mong buhok." dagdag pa niya.

"Edi pareho tayong agaw-atensiyon."

"Kaya bagay talaga tayo e." Hinawakan pa niya ang kamay ko na nakapatong sa bag na nasa lap ko dahilan para mas lalong bumilis 'tong tibok ng puso ko.

"Kung ano-anong iniisip mo, matulog ka na lang kaya muna, baka pagod lang 'yan." pag-iiba ko ng topic. Baka kasi maihi na lang ako bigla sa kilig dito.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon