IAHPA 15

966 52 24
                                    

Dani's POV

"Good morning world!" nakangiting saad ko nang maimulat ang mga mata.

Tumayo na ako at kumuha ng damit bago tinungo ang banyo. Kumakanta-kanta pa ako habang naliligo. Dinadama ko ang goodvibes na nakapalibot sa 'kin ngayon.

Matapos maligo at mag-ayos, dumiretso na ako sa baba at tinungo ang kusina. Naabutan ko roon si Manang pati na rin si Ice na kumakain ng agahan.

"Good morning Manang!" bati ko. Tumingin naman ito sa gawi ko at ngumiti.

"Good morning din sa 'yo. Kumain ka na rito." sabi ni Manang. Naglakad naman ako palapit sa mesa at umupo sa upuang katapat ni Ice.

"Good morning Sir Ice!" masayang bati ko pero kagaya ng parating nangyayari, hindi ito bumati pabalik. Sanay na rin naman ako diyan. Hindi ko na lang ito pinansin at kumain na.

Magmula noong pinalitan niya ang mga damit ko, sinabi ko sa sarili ko na susubukan kong maging mabait sa kanya. And so far, nagagawa ko naman.

Kahit na inaasar niya ako minsan, hindi na lang ako pumapatol. I am a changed woman, you know hahaha.

Nakita kong tumayo na si Ice kaya dali-dali kong tinapos ang pagkain ko. Baka kasi iwan na naman ako nung yelong yun. Minsan na kasi niya akong iniwan dito noong natagalan akong matapos yung pagkain ko.

Kinuha ko agad sa taas ang mga gamit ko pati na rin ang mga gamit ni Ice. Pagkatapos ay tinungo ko ang garahe. Nakita ko si Ice na nakatayo sa labas ng kotse at kunot-noong naghihintay.

"Tagal mo." aburidong sabi nito nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya. Pumasok na siya sa loob kaya sumakay na rin ako.

"Sorry naman." sabi ko matapos mailagay sa likod yung mga gamit namin.

Binuhay na niya ang makina at nagmaneho palabas ng village. Kahit nasa biyahe na kami, hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo niya.

Ano bang problema nito? Ang aga-aga tapos mukhang stress na stress na. Jusko 'day!

Nang makarating kami sa ABS Network, nakasunod lang ako sa kanya. Hindi naman ako magkandaugaga sa pagdala ng mga gamit ko at gamit niya. Bwiset na lalaking 'to, 'di man lang nag-atubiling tulungan ako.

Pagpasok sa dressing room, inilapag ko agad ang mga gamit namin at isinampay ng maayos ang damit na susuotin niya mamaya.

"Psst!" Napalingon ako sa likod nang marinig kong may sumitsit. Nakita ko si Dustin na nakatingin sa 'kin.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong naman nito na tinutukoy si Ice.

"Wala. Ewan ko diyan. Bakit ba?" nagtatakang tanong ko.

"Nakasimangot e." sabi nito habang nakatingin kay Ice na kunot-noong nakaharap sa cellphone niya.

"Baka masama ang gising. Hayaan mo na 'yan." sabi ko. Nagkibit-balikat lang naman siya.

Napansin kong hindi pa siya nakaayos gayong mauuna ang call time nila kaysa kay Ice.

"Bakit hindi ka pa naka-make up? Nasaan sina Ali?" tanong ko.

"Si Ali nga hinihintay ko e. Kanina pa 'ko rito." sagot nito.

Bumukas naman bigla ang pinto at iniluwa nito si Ali.

"Sorry, medyo na-late ako ng gising." sabi nito. Inayos na niya ang mga gamit niya at nagsimulang ayusan si Dustin.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Ana.

"Ready na ba kayo, Dustin and---teka, nasaan si Drake?" tanong ni Ana at inilibot ang paningin sa loob ng silid ngunit wala kaming nakita ni anino ni Drake.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon