IAHPA 34

1.2K 55 29
                                    

Ice's POV

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang bakasyon namin ni Dandan sa probinsiya nila. Noong isang araw lang kami nakauwi at hanggang ngayon, pakiramdam ko nandun pa rin ako sa Abuyog. Naiwan yata yung kaluluwa ko dun.

Best vacation ever!

The best talaga dahil bukod sa ang ganda ng probinsiya nila at sobrang nag-enjoy ako, sinagot rin ako ni Dani doon sa lugar na 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kami na. Panay nga ang tanong ko sa sarili kung nananaginip lang ba ako o ano. Ang saya talaga, sobra.

Bago kami lumuwas ulit ng Maynila, sinabi namin sa pamilya ni Dani na kami na. Masaya ako dahil tinanggap kami nila lalo na ni Tita Mara. At ngayon, balak namin sabihin sa barkada ang tungkol dito. Kay Mama naman, balak kong bisitahin namin siya pero hindi ko pa nasasabi kay Dani ang tungkol dun. And speaking of Dani, kanina ko pa siya hinihintay na pumasok dito sa kwarto.

Kahapon kasi, late na akong nagising at siya pa ang gumising sa 'kin kaya akala ko ngayon, ganun din ang gagawin niya. Late din kasi akong nagising ngayon pero hindi niya ako pinuntahan. Tulog pa kaya 'yon? Imposible, early person yun e.

Bumangon na ako at naligo na muna. Puntahan ko na lang siya sa kwarto kung tulog pa ba siya.

Pagkatapos ko maligo, lumabas na ako at dumiretso sa kwarto ni Dani. Walang tao sa loob nang buksan ko ang pinto. Gising na pala siya pero bakit hindi niya ako pinuntahan?

Kakamot-kamot sa ulo ko nang isara ko ang pinto. Pagbaba ko, nakita kong pumasok si Dani sa kusina kaya sumunod ako sa kanya. Abala siya sa niluluto niya kaya hindi niya napansin ang pagpasok ko.

"Hoy!"

"Ay pota!"

Natatawa akong umupo. Yung itsura niya, priceless HAHAHA! Sobrang sama ng tingin niya sa 'kin kaya sinubukan kong pigilan ang pagtawa ko pero hindi ko makaya.

"Bwiset ka talaga. Umagang-umaga puro ka kalokohan." inis na sabi niya at tiningnan ulit ang niluluto niya.

"Bakit ang tagal mong magising?" tanong pa niya.

"E paano, walang gumising sa 'kin kanina. Nakalimutan mo na ako." nakasimangot na sabi ko.

"Nakalimutan ka diyan. Busy kasi kami ni Manang na ihanda yung garden kasi nga pupunta sila Ana dito mamaya." Oo nga pala, magkikita-kita kami mamaya dito.

"Kaya naman ni Manang yun."

"Kahit na tiyaka wala naman akong ginagawa kaya tinulungan ko na lang siya."

"Kung wala kang ginagawa kanina, sana pumunta ka sa kwarto at ginising mo ko, nilambing, niyakap, at kiniss. Ganun dapat ang magjowa." saad ko. Lumingon siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay.

"Saan mo naman nakuha 'yang mga 'yan? Hindi ka naman nagkagirlfriend dati ha?" nakapameywang na tanong niya. Ngumisi naman ako nang may biglang pumasok sa isipan ko.

"Akala mo lang 'yon. Ang dami ko na kayang naging babae. Lahat magaganda at sexy." Nagdilim ang itsura niya dahil sa sinabi ko. Pinipigilan ko namang matawa.

Walang imik siyang tumalikod at pinatay ang apoy. Mabilis siyang naglakad palabas at iniwan ako dito. Gusto ko na sanang sabihin na joke lang yun pero nag-eenjoy akong makita siyang ganun. Ang cute kasi. Siya yung tipo ng tao na kapag nagselos o nagtampo, hindi siya iimik at hindi mamamansin pero makikita mo sa mukha niyang nagseselos siya dahil sa nakakunot niyang noo at kapag nagtatampo naman, hindi ka niya titingnan sa mata o maski sa mukha.

Alam na alam ko na 'yan. Ilang beses ba namang nangyari 'yan noong hindi pa kami. Pero syempre, ayoko namang pagselosin siya parati. Nasa mood lang talaga akong asarin siya ngayon.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon