IAHPA 1

1.9K 59 12
                                    

Dani's POV

I'm sorry, Dani. Kailangan na kasi talagang isara itong shop.

Sinipa ko ang maliit na batong nadaanan ko dahil sa inis. Lintik na buhay 'to! Wala na naman akong trabaho! Ang malas ko talaga.

"Aray!"

Mabilis akong napatingin sa direksiyon ng boses na narinig ko. Nakita ko si Mang David na nakahawak sa ulo niya habang ang isang kamay ay may hawak na walis tingting.

"Naku! Pasensya na po, Mang David. Hindi ko po sinasadya." paghingi ko ng paumanhin. Tumama kasi sa kanya yung batong sinipa ko.

"Ayos lang. Ano na naman ba kasing problema mo at mukhang naiinis ka?" sabi nito.

"Nawalan po kasi ako ng trabaho."

"Na naman? Aba'y hindi ka pa nga nagtatagal sa bago mong trabaho e." wika nito.

"Minamalas po e." kumakamot sa ulo na sabi ko.

"Hayaan mo at makakahanap ka rin ng bagong trabaho." sabi niya at pinagpatuloy ang pagwawalis sa harapan ng maliit niyang tindahan.

"Sana nga po. Sige po, mauna na ako." Nagpatuloy na ako sa paglalakad at iniwan ang matandang kapit-bahay namin.

Pagdating sa harap ng apartment namin, binuksan ko ito at ibinagsak ang katawan sa sofa.

"O, Dani! Nandito ka na pala." Lumabas mula sa kusina ang pinsan kong si Alison, mukhang nagluluto siya dahil sa suot niyang apron. "Bakit ganyan ang mukha mo? Anong nangyari?" Napansin niya siguro ang mukha kong nakabusangot.

"Wala na naman akong trabaho." nakangiwi kong sagot. Sinimulan ko nang tanggalin ang suot kong sapatos at inilagay ito sa gilid tiyaka kinuha ang tsinelas ko. Tumayo ako at inilagay sa basket ng mga labahan ang sinuot kong medyas.

"Bakit? Tinanggal ka na naman?" tanong pa niya. Isinabit ko sa may dingding ng kwarto namin ang sling bag na dala ko bago bumalik sa pagkakaupo sa sofa.

"Hindi. Nagsara na kasi yung branch ng milktea shop na pinagtatrabahuan ko dito kaya ayun, nawalan kami ng trabaho."

"Ano ba yan! Ang malas mo talaga sa mga trabahong napapasukan mo." naiiling na sabi ni Ali tiyaka bumalik sa kusina.

Malas talaga ako pagdating sa trabaho. Kung hindi ako tatanggalin, magsasara naman ang pinagtatrabahuan ko. Hindi ko alam kung bakit. Magaling naman akong magtrabaho pero natatanggal pa rin.

Sa buong buhay ko, 6 months lang ang pinakamatagal kong naging trabaho, pagiging yaya ng isang makulit na bata. Pero sa trabahong 'yon, ako na mismo ang umalis. Hindi ko talaga kaya ang pagiging salbahe nung batang 'yon. Punitin ba naman lahat ng damit ko?! Edi ayun, ako na ang umalis. Mabuti na nga lang at binigyan ako ng perang pambili ng damit nung mga magulang niya.

Pumunta ako sa kwarto at kumuha ng damit tiyaka tinungo ang banyo. Matapos kong maligo, pumunta ako sa kusina. Naabutan kong naghahanda ng pagkain si Ali. Pritong itlog at hotdog lang pala yung niluto niya tapos nagsuot pa siya ng apron. Kaloka 'tong babaeng 'to.

"Paano na 'yan ngayon?" tanong niya nang magsimula na kaming kumain.

"Hindi ko alam. Tambay na lang ulit siguro dito sa apartment hanggang sa makahanap ng trabaho." sabi ko. Wala naman kasi akong ibang option.

"Bakit hindi ka na lang pumunta doon sa kapatid mo? Hindi naman sa gusto kong umalis ka dito pero doon kasi magkakaroon ka ng permanenteng trabaho." sabi niya at nagpatuloy sa pagkain.

"Ayoko dun. Sobrang seryoso niya sa buhay. Hindi kami magka-vibes."

"Kung 'yan ang gusto mo, edi okay. Susubukan ko na lang na hanapan ka ng trabaho doon sa pinagtatrabahuan ko." Napangiti ako sa sinabi niya. Napaka-supportive talaga nitong pinsan kong si Alison Curtis.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon