IAHPA 5

895 44 14
                                    

Dani's POV

Dalawang araw na ang nakalipas magmula nang magkaroon ako ng trabaho at nakilala ko ang mga bago kong kaibigan at ang pinakamahanging tao sa buong mundo.

Sa dalawang araw na yun, wala namang masyadong naging ganap dahil dito lang ako nanatili sa apartment. Naka-off from work kasi sina Ice kaya wala rin akong naging trabaho. Kahit na sinabi ni Ana na sumama daw ako kay Ice, hindi pa rin nangyari yun dahil umangal ang yelong yun. At nagpapasalamat din naman ako na hindi ko siya nakita ng dalawang araw dahil naging payapa ulit ang buhay ko.

At ngayon, balik trabaho na ulit sila kaya back to work na rin ako. Inaayos ko na ngayon ang black sling bag na dadalhin ko sa trabaho. Inilalagay ko na doon ang mga gamit ko.

(Hello?)

Sa wakas! Sumagot din sa tawag ko ang yelong 'to. Kanina ko pa kasi siya tinatawagan pero ngayon lang sumagot.

"Hi Ice! Si Dani 'to."

(Dani? Yung bakla kong P.A? Saan mo nakuha yung number ko?)

Napairap ako dahil sa sinabi niya. Baklang P.A talaga? Bwisit.

"Binigay sa 'kin ni Ana yung number mo. At bakit ka ba nagtataka kung may number ako sa 'yo? Hello, P.A mo kaya ako."

May pagkashunga rin talaga 'tong lalaking 'to e.

(Yeah, whatever. Bakit ka ba napatawag?)

"Saan yung address mo? Pupunta ako diyan para kunin yung mga gamit na gagamitin mo mamaya."

May nabasa kasi akong article tungkol sa mga ginagawa ng isang P.A at nabasa ko na pinupuntahan nila yung bahay ng mga amo nila para bitbitin ang mga gamit na dadalhin kaya ito, gagawin ko ngayon.

(No need. Napadala ko na kahapon sa dressing room yung mga gamit. Wag ka ng pumunta dito.)

"Ganun ba? Okay. See you later, Ice."

(Don't call me Ice. We're not friends.)

Ano daw? Wag ko siyang tatawaging Ice? Ang arte naman nito.

"E anong itatawag ko sa 'yo?"

(Sir Ice. Call me, Sir Ice.)

Lintik! Sir Ice? Aba't ang yabang talaga ng lalaking 'to.

"Okay. Bye, SIR ICE."

Ibinaba ko agad ang tawag dahil sa sobrang inis ko. Nakakabadtrip siya. Umagang-umaga pero sinira niya agad ang araw ko. Bwisit talaga yung kumag na 'yon.

"Umagang-umaga, nakasimangot ka diyan." Napatingin ako kay Ali na kakalabas lang sa kwarto.

"Nakakabadtrip kasi si Ice. Ang arte-arte parang hindi lalaki. Sinabihan ba naman akong 'Don't call me Ice. We're not friends.'? Ang yabang talaga!" Nangigigil na sabi ko. Tawa naman ng tawa itong si Ali.

"Grabe talaga yung pang-iinis sa 'yo ni Ice 'no?" natatawa pa ring sabi niya.

"Ang laki ng problema niya sa buhay." Kulang siguro yun sa aruga kaya ganun.

"Hayaan mo na lang, pag nagtagal, magiging mabait din yan sa 'yo. Wag ka na lang papaapekto sa mga ginagawa niya. I'm sure, ginagawa niya lang 'yan para mainis ka at umalis bilang P.A niya." wika ni Ali. Napaisip naman ako.

So ginagawa niya lahat ng 'to para umalis ako? Pwes, hindi siya magtatagumpay. Kung gusto niya pa lang makipag-asaran, game ako. Tingnan lang natin kung sinong unang maaasar.

Tinapos ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko at lumabas na kami ni Ali. Naglakad na kami papunta sa labasan at sumakay ng traysikel papunta sa ABS Network.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon