IAHPA 26

1.2K 60 24
                                    

Dani's POV

Dalawang araw na ang nakalilipas matapos ang pag-amin ni Ice na mahal daw niya ako. Dalawang araw na rin akong halos 'di makatulog ng maayos dahil doon.

Sino ba naman kasi ang makakatulog ng maayos matapos umamin sa 'yo ang isang taong kinaiinisan ka noon ns mahal ka na niya ngayon? Sige nga, sabihin niyo sa 'kin kung sino nang masabunutan ko.

Hindi pa rin kasi talaga ko makapaniwala. Like hello, sino ba naman ako para magustuhan ng isang Ice Perez. Ice Perez na yun ha, pantasya ng lahat ng kababaihan at sangkabaklaan.

Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko at ang haba ng hair ko dahil mahal niya ko.

Sa loob din ng dalawang araw na 'yon, nag-iba ang pakikitungo niya sa 'kin. Kapag sinabi kong nag-iba, literal na nag-iba talaga. Maganda naman ang naging pakikitungo niya sa 'kin noong nagkaayos na kami pero iba ngayon eh, mas naging maalaga and...sweet siya sa 'kin. At hindi ako sanay na ganyan siya.

Nakakapanibago talaga.

Feeling ko nga nakakahalata na si Manang Faye sa pagbabago ng trato sa 'kin ni Ice pero hindi lang siya nagsasalita tungkol doon.

Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. May nagtext.

From: Yelo
Bumaba ka na diyan. Kanina pa ako naghihintay dito sa labas.

Pinatay ko na ang phone ko at dinala lahat ng gamit ko na kakailanganin for this day. Oo, gamit ko lang talaga ang dala ko dahil yung mga gamit niya ay siya na ang nagdala.

Isa rin 'yan sa mga nagbago sa kanya. Magmula nang ligawan kuno niya ako, parang nabawasan ang trabaho ko bilang P.A niya. Siya na ang nagdadala ng bag na naglalaman ng mga gamit niya at hindi na siya nagiging palautos.

Bumaba na ako at dumiretso sa garahe kung saan naabutan ko siyang nakasandal sa sasakyan at naghihintay sa 'kin. Tumingin siya sa 'kin at inaasahan kong ngingiti siya at babatiin ako kagaya ng palagi niyang ginagawa pero hindi.

"Ang tagal mo naman." mahinang sabi niya pero maririnig mo pa rin ang pagkabagot sa boses niya. Masama siguro gising nito.

"Sungit mo! Ganyan ba dapat ang manliligaw?" Bakit ko ba nasabi yun? Shemay!

Tiningnan ako ni Ice nang nakakaloko dahilan para maramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.

"So kinoconsider mo na ako bilang manliligaw mo?" nakangising tanong niya. Napaiwas ako ng tingin.

Magmula kasi noong gabing 'yon, hindi na namin napag-usapan ang pagpayag ko na magpaligaw sa kanya. Basta nagsimula na lang siya manligaw sa 'kin kahit hindi niya sa 'kin tinatanong kung payag ba ako o hindi. Sabagay, sabi nga niya noong gabi ng birthday ko, sa ayaw at sa gusto ko raw, liligawan niya ako. Mukhang wala na rin naman akong magagawa.

"Ano pa ba kasi ang magagawa ko? Tiyaka ligaw lang naman e." sabi ko at pumasok na sa kotse. Ngiting-ngiti naman siya nang sumakay sa driver's seat.

"Baka mapunit na 'yang bibig mo kakangiti." sabi ko. Tinikom naman niya ang bibig niya pero halatang nagpipigil lang ng ngiti.

Nagsimula na siyang magmaneho papuntang ABS building.

"Ice, anong nagustuhan mo sa 'kin?" hindi ko maiwasang itanong.

Ano ba naman kasing kagusto-gusto sa 'kin? Wala naman akong maipagmamalaki at isa pa, bakla ako.

"Correction, minahal at hindi nagustuhan. Hindi lang kita gusto, mahal kita." sabi niya habang nasa daan ang paningin. Nag-init naman ang mukha ko. Wala talagang preno ang bibig nito.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon