IAHPA 20

1.1K 59 22
                                    

Ice's POV

Matapos ang ilang linggong panay ang pagtatrabaho, sa wakas ay nabigyan kami ng isang araw na pahinga. Maaga akong nagising ngayon dahil balak kong mag-jogging. Matapos kong maligo, bumaba ako at napansing ang tahimik ng bahay. Hindi ko rin nakita si Manang Faye. Usually, nandito na siya sa mga ganitong oras.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Hindi rin naman nagtagal ay sinagot niya ito.

"Hello Manang! Good morning po."

(Good morning din, Ice.)

"Bakit wala pa po kayo rito sa bahay?"

(Iyon na nga e, hindi muna ako makakapasok kasi may sakit 'tong anak ko. Hindi ko maiwanan kasi walang magbabantay. Iyong asawa ko kasi papasok pa sa trabaho.)

"Ganoon po ba? O sige po, walang problema. Kung may kailangan po kayo, sabihin niyo lang sa 'kin."

(Maraming salamat, Ice. Ibababa ko na 'to, magluluto pa kasi ako.)

"O sige po. Bye."

Matapos maibaba ang tawag, pumunta ako sa kusina upang tingnan kung anong pwede kong makain. Nakita kong puno pa naman ang ref at maraming pwedeng lutuin pero may problema, hindi ako marunong magluto. Maski pagpiprito ng  itlog o hotdog, hindi ko pa magawa ng tama. Palaging sunog.

Gwapo lang ako pero hindi ako marunong magluto.

Paano na 'to?

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Dani na pangarap niyang maging chef noon, ibig sabihin marunong siyang magluto. Siya na lang palulutuin ko. Teka, bakit wala pa siya rito sa baba? Tulog pa ba siya? Pambihira!

Lumabas ako ng kusina at tinungo ang kwarto ni Dani sa taas. Kinatok ko ito pero walang sumasagot.

"Jose Danilo? Gising ka na ba?" pagtawag ko sa kanya pero walang sumagot.

"Kapag hindi mo 'to binuksan, papasok na lang ako diyan." sabi ko pa pero kagaya kanina, wala pa ring sumagot. Bahala siya.

Binuksan ko na  ang pinto at pumasok.

"Jose Dani---" napatigil ako nang makita si Dani na nakahiga sa kama niya at balot na balot ng kumot.

Anong oras na pero tulog pa rin 'to!

Naglakad ako palapit sa kanya. Tinapik ko ito pero wala akong nakuhang tugon. Tulog mantika ba 'to?

"Huy, gumising ka na nga diyan." sabi ko.

Nakita kong gumalaw ito. Akala ko babangon na siya pero hindi pala, mas hinigpitan lang niya ang hawak sa kumot na nakabalot sa kaniya. Napansin kong parang nanginginig siya. May sakit ba siya?

Nilagay ko ang likod ng palad ko sa noo niya at agad ko itong inalis nang maramdaman ang init niya. Pambihira, may lagnat siya.

Anong gagawin ko? Wala akong alam sa ganito.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mama. Siya ang unang pumasok sa utak ko na pwedeng makatulong sa 'kin. Naalala ko kasi yung pag-aalalaga niya sa 'kin noong may sakit ako nung bata pa ako.

(Hello, anak. Napatawag ka?)

"Ma, I need your help. May sakit si Dani at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya."

(Relax, anak. Makinig ka sa 'kin. Magpakulo ka ng tubig at ilagay mo sa palanggana. Kumuha ka na rin ng bimpo.)

"Wait Ma, wag mong ibababa."

Lumabas ako ng kwarto ni Dani at halos tumakbo na papunta sa kusina. Nagpakulo ako ng tubig at matapos ay inilagay ito sa maliit na palanggana. Halos magkandapaso-paso pa ako dahil tumatalsik sa 'kin ang mainit na tubig dahil sa pagmamadali kong mailagay ito sa lalagyan.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon