IAHPA 32

1.1K 56 17
                                    

Ice's POV

"Kasi mahal ko po siya at nililigawan ko na siya ngayon."

Nakakabinging katahimikan. Iyan ang nangibabaw matapos kong sabihin kay Tita Mara ang mga katagang 'yan.

Ang mukha nina Zaria at Bernard at parehong gulat. Maski ang kapatid nilang si Lia ay ganoon din ang reaksiyon. Pero si Tita Mara, hindi. Mas sumeryoso ang mukha niya at parang nawala bigla ang palangiting Tita Mara na nakilala ko.

Si Dani naman ay hindi rin nakaimik. Base sa mukha niya, alam kong kinakabahan siya.

Ang lakas ng kabog ng puso ko. Tama ba yung ginawa ko?

"Ay yung pagkain, nilalangaw na!" Laking pasasalamat ko nang basagin ni Ali ang katahimikan at bahagyang nakahinga ako ng maluwag.

Hanggang sa pauwi na kami, hindi pa rin ako mapakali. Nagalit ba sila? Ayaw ba nila sa 'kin para kay Dani?

Kanina matapos kumain, hindi na ako inimik pa ni Tita Mara. Nasira ko yata yung mood niya.

"Dandan..." tawag ko sa kanya. Nagba-bike na kami ngayon pauwi.

"Hmm?"

"Galit ba si Tita?"

"Hindi ko alam. Siguro hindi, baka nabigla lang siya kanina." Hindi pa rin nabawasan ang kaba ko kahit na sinabi niyang hindi galit si Tita.

"E ikaw?" tanong ko sa kanya. Matapos kasi ang eksenang 'yon, naging tahimik na rin siya. Hindi ko alam kung galit din ba siya.

Wala akong natanggap na sagot sa kanya kaya hininto ko sa gilid ang bike.

"O bakit ka huminto?"

"Galit ka e." nakatalikod na sabi ko. Rinig ko ang malakas niyang pagbuntong-hininga.

"Hindi ako galit, okay? Nagulat lang ako. Hindi ko kasi inexpect na sasabihin mo 'yon kanina. At isa pa, kinakabahan din ako kay Nanay." paliwanag niya. Ramdam ko sa boses niya na nag-aalala siya.

"Dapat pala hindi ko na sinabi 'yon kanina. Sorry Dandan." malungkot na sabi ko.

"Okay na yun, tapos na e. Tara, uwi na tayo." Nagulat ako nang iyakap na naman niya sa 'kin ang mga braso niya at sumandal sa likod ko.

Yung kabang naramdaman ko kanina, biglang napalitan ng kilig.

"Uy, sabi ko uwi na tayo. Bakit 'di ka na gumalaw diyan." Sinubukan pa niyang dungawin ang mukha ko.

"K-kasi naman, bigla-bigla ka na lang nangyayakap diyan. Magsabi ka naman para 'di ako mabigla." reklamo ko pero sa loob-loob ko, hindi na magkamayaw sa pagkabog ang puso ko.

"Kinikilig ka ba?" nang-aasar na tanong niya.

"Sino ba namang hindi kikiligin kung yung taong mahal ako, yinayakap ako?" Napakunot-noo ako nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Pinagtatawanan mo na naman ako." nakanguso kong sabi kahit nakatalikod ako sa kanya.

"Ang cute mo kasi." natatawa niyang sabi. Natawa na lang rin ako at nagbike na pabalik sa bahay.

Pagdating sa bahay, napabitaw sa pagkakayakap sa 'kin si Dani nang lumabas si Tita Mara.

"Nasa likod ng bahay yung banyo, maligo ka muna dun bago ka magpalit ng damit." bilin ni Dani. Tumango naman ako.

Naglakad na papasok sa bahay si Dani habang ako ay itinabi muna ang bike. Susunod na sana ako sa pagpasok nang bigla akong tawagin ni Tita. Napatigil ako sa paglalakad at maging si Dani ay napahinto rin.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon