IAHPA 24

988 49 19
                                    

Dani's POV

Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni Ice. Paano ba naman kasi kami magkakaayos kung dito sa bahay, palagi lang siyang nasa kwarto niya. Kapag nasa trabaho naman, palagi siyang malayo sa 'kin.

Iniiwasan niya talaga ako.

Pero bukod doon, may iba rin akong napapansin sa kanya. Minsan nahuhuli ko siyang nakatitig sa 'kin pero agad ding nag-iiwas ng tingin kapag nahuhuli ko siya.

Ewan pero hindi ko talaga siya maintindihan.

Halos hindi rin natatahimik ang utak ko sa kakaisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Shemay!

Napasimangot ako nang maisip ang mga nangyayari.

Tiningnan ko muna ang itsura ko sa salamin bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa garahe. Nandoon si Ice, naghihintay sa 'kin. Nang magtama ang paningin namin, kaagad siyang nag-iwas at sumakay sa sasakyan. Napabuntong-hininga na lang ako bago pumasok.

Walang trabaho ngayon at pupunta kami kina Ana. Balak yata nilang mag-inuman. Wala rin namang pasok bukas kaya ayos lang kung mag-inuman sila ng magdamagan.

Tahimik lang ang naging biyahe namin papunta sa bahay ni Ana. Sanay na rin naman ako sa katahimikan kapag kaming dalawa ang magkasama.

Nang makarating sa village na tinitirhan ni Ana, ipinarada na ni Ice ang sasakyan sa isang magandang bahay. Hindi siya malaki o magarbo pero ang ganda pa rin. Simple lang.

Ako na ang nagbukas ng pinto sa gawi ko. Alangan namang hintayin ko pa si Ice ang magbukas nito. Imposible.

Sabay kaming pumasok at nadatnan sila sa loob. Kami na lang pala ang kulang. Kaagad na umalis si Ice sa tabi ko st lumapit kina Dustin. Lumapit naman ako kay Ali na nakaupo sa isang tabi habang kumakain ng chips.

"Ano? Wala pa rin?" tanong ni Ali pagkaupo ko sa tabi niya. Yung tungkol sa 'min ni Ice ang tinutukoy niya.

"Wala, ganoon pa rin." nakasimangot kong sagot.

"Alam mo, mababatukan ko na talaga 'yang si Ice e. Minsan sa sobrang arte, dinaig pa ang babae." naiinis na sabi ni Ali. Mabuti na lang at hindi malakas ang boses niya at hindi namin nakuha ang atensiyon ng iba.

"Sa living room tayo. Tara!" sabi ni Ana kaya nagsitayuan kami. Dinala nina Dustin ang mga inumin habang kami naman ni Ali ang nagbitbit ng pulutan.

Nilapag namin sa mesa ang dala-dala namin tiyaka umupo. Binuksan ni Ana ang TV at plinay ang isang movie. Hindi ko alam kung ano yung title, hindi ko kasi nabasa.

Binuksan ni Drake ang isang bote ng alak at tinagayan ang mga baso namin. Maingay silang nag-uusap habang ako ay tahimik lang na nakaupo habang hawak ang baso ko na may lamang alak. Nakatutok lang ang mata ko sa pinapalabas na movie pero hindi ko naman talaga naiintindihan ang pinapanood ko.

Dumapo ang paningin ko kay Ice at nagulat nang mahuling nakatingin siya sa 'kin. Kagaya ng palaging nangyayari, agad siyang nag-iwas ng tingin at nagpatay-malisya.

Sumibol sa akin ang lungkot matapos 'yon.

Ice, anong nangyari sa 'tin?

Ay wait, erase erase! Para naman kaming magjowa niyan. Ito na lang...

Ice, anong nangyari sa pagkakaibigan natin?

Ayan, mas akma.

Pero nakakalungkot lang kasi naging ganito bigla kami. Mas mabuti pang bumalik na lang kami sa dati na parang aso't pusa sa pagbabangayan kaysa sa ganito na parang hindi ako nag-eexist sa buhay niya.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon