IAHPA 2

1.1K 52 25
                                    

Ice's POV

Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko.

Sino ba 'tong nambubulabog ng ganito kaaga?

Pikit-mata kong inabot ang cellphone na kasalukuyan pa ring tumutunog.

"Hello"

(Thank God at sinagot mo rin. Nasaan ka na ba?!)

Nilayo ko agad ang cellphone mula sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Ana. Parang nakalunok ng microphone.

"I am still here at my house."

(What?! Nakalimutan mo bang may meeting ka ngayon with the management? My gosh, Ice!)

Meeting. Again.

"I'm sorry, I forgot. Hintayin mo na lang ako diyan. Papunta na ako."

Ibinaba ko agad ang tawag bago pa ako masermonan ni Ana. Baka tuluyan na akong mabadtrip kapag narinig ko pa ang mga sermon niya. Hindi pa naman nauubusan ng sasabihin 'yong babaeng 'yon.

That manager of mine is really something but she's great. Trust me.

Bumangon na ako at tinungo ang banyo. Kahit inaantok pa, nagawa ko pa rin na maligo at magbihis ng mabilis. Hindi ko na masyadong pinag-aksayahan ng oras ang pagpili ng damit. Kung anong una kong nadampot, 'yon na ang sinuot ko.

Gwapo pa rin naman ako kahit anong suotin ko.

Binilisan ko na ang kilos ko at bumaba agad. Naabutan ko sa kusina si Manang Faye na naghahanda ng almusal ko. Agad itong napatingin sa gawi ko nang marinig ang pagpasok ko sa kusina.

"O, Ice! Gising ka na pala."

"Good morning, Manang!" bati ko at lumapit sa mesa. Nakarinig naman ako ng tahol ng aso. Paglingon ko sa likod, nakita ko ang aso kong si Aphrodite na tumatakbo papunta sa 'kin. Agad ko itong binuhat.

"Good morning, baby!" sabi ko at hinimas ang balahibo niya. Medyo malaki na rin pala itong chow chow kong aso.

"Manang, kumain na po ba 'to?" tanong ko kay Manang Faye.

"Kanina pa 'yan kumain." sagot ni Manang.

"Baba ka muna, baby. Kakain na kasi ako." Ibinaba ko na si Aphrodite at agad naman itong tumakbo palabas ng kusina. Umupo na ako at naglagay ng kanin sa plato.

"Himala yatang nagising ka nang hindi kita kinakatok doon sa kwarto mo." sabi ni Manang. Inilagay na niya sa mesa ang mga pagkaing niluto niya.

Palagi kasi akong ginigising ni Manang Faye. Kasi kung hindi, malamang sa malamang, tanghali na akong magigising.

"Tawag po kasi ng tawag si Ana kaya bumangon na ako. Mahirap na, baka sumugod na naman 'yon dito." wika ko at nagsimulang kumain. Natawa naman si Manang.

Naalala na naman niya siguro yung minsang sumugod dito si Ana dahil may meeting ako na kailangan puntahan pero hindi ko sinasagot ang tawag niya. Sumugod siya rito sa bahay at halos kaladkarin ako palabas.

Kakaibang babae!

"Iyong batang 'yon talaga, sobrang seryoso pagdating sa trabaho." natatawang sabi ni Manang.

Mayamaya lang rin ay nagpaalam na si Manang Faye. Maglilinis pa kasi siya ng bahay. Siya lang ang kasama ko rito sa bahay ko pero tuwing gabi, umuuwi siya sa kanila. Gustuhin ko mang mag-isang tumira lamang dito, hindi naman pwede. Si Mama na mismo ang nagsabi na hayaan kong pagsilbihan ako ni Manang  kaya wala na akong nagawa pa.

Matapos kong kumain, nagpaalam na ako kay Manang at umalis na. Sakay ng kotse ko, binaybay ko ang daan papunta sa ABS Network kung saan ako nagtatrabaho bilang isang artista. At hindi naman sa pagmamayabang, isa ako sa pinakasikat na artista sa network na 'yon.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon