IAHPA 29

1.3K 52 58
                                    

Dani's POV

Talo na naman. Bwiset!

Inis kong pinatay ang cellphone ko at nilagay sa bag. Tatlong beses lang yata akong nanalo sa Tongits War ngayon. Kainis!

"Bakit nakakunot 'yang noo mo?" tanong nitong katabi ko, si Ice.

"Wala, nabadtrip lang ako sa Tongits War." sagot ko. Natawa lang siya at inakbayan ako.

Chansing.

Nandito kami ngayon sa dressing room at inaantay na makumpleto ang barkada bago kami pumunta sa location ng shooting nila ngayon. 9 AM pa naman ang call time at quarter to 8 pa lang kaya chill pa kami rito.

Lagpas 1 buwan na rin nang magsimula ang shooting ng movie nila at sa tingin ko ngayon, nasa bandang kalahati na sila ng story. Sa tuwing umaarte sila, nasa tabi lang ako at pinapanood sila. Ang gagaling nilang lahat umarte lalo na si Ice at Bea. Hindi na ako nagtataka kung bakit maraming sumusuporta sa kanila.

"Ryle, nasaan na si Drake?" tanong ng assistant manager ni Ana, si Kim Chua.

Magmula nang mameet ng barkada si Bernard, yung kapatid ko, nagulat na lang ako nang kumuha ng assistant manager si Ana. Maski sila ay nagulat din dahil first time daw na nangyari 'to. Naalala ko tuloy yung sinabi noon ni Ali sa 'kin noong first day ko rito na mabilis daw mahulog si Ana sa mga bakla.

Tinamaan yata siya sa kapatid ko.

Hindi ko maiwasang matawa dahil mukhang imposible na mapaamo niya si Bernard. Opposite kasi sila ng ugali. Si Ana masayahin at sobrang positive sa buhay pero si Bernard sobrang seryoso at tutok sa trabaho. Ni minsan wala kaming nabalitaan na naging jowa niyan. Jusko 'day! Goodluck na lang Ana.

"Wala akong idea. Pinauna niya akong pumunta dito kaya hindi ko nalaman kung saan siya pumunta." Bumalik ang atensiyon ko sa pag-uusap ni Kim at Ryle. Hanggang ngayon kasi ay wala pa si Drake.

Napakamot sa ulo si Kim at napapikit na lang.

"Call him now." seryosong saad nito kay Ryle.

Halos walang pagkakaiba si Kim kay Ana. Pareho silang seryoso sa trabaho pero marunong din makisama. Minsan sumasabay din siya sa trip naming magkakaibigan.

Nanatili pa kami ng ilang minuto sa dressing room nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Drake na blanko ang mukha. Anong nangyari sa kanya?

"Mabuti naman at nandito ka na. Magready na kayo, guys. Aalis na tayo." sabi ni Kim kaya nagsitayuan na kami at binitbit ang mga gamit namin.

Hindi ko maiwasang mapatingin kay Drake. Nakakapanibago siya ngayon. Walang emosyon ang mukha niya at sobrang tahimik gayong hindi naman siya ganyan. Sa 'ming magkakaibigan, siya yata ang pinakamaingay.

Dumapo ang paningin ko kay Ali at nahuli ko siyang nakatingin din kay Drake. Paniguradong nag-aalala rin siya sa kanya.

Nang makarating sa parking lot, biglang hiningi ni Ice ang tumbler niya kaya agad ko itong hinanap sa bag na dala ko ngunit hindi ko ito nahagilap. Nasaan na ba 'yon?

"Wala ba diyan?" tanong ni Ice.

"Naiwan yata sa bahay e." sabi ko nang hindi ko talaga makita. Napakamot siya sa ulo.

"Balikan natin, 'di pwedeng wala 'yon." sabi nito. Wala rin naman akong nagawa kung hindi pumayag.

Kahit kailan talaga, hindi pwedeng mawalay sa kanya yung tumbler niya. Kaunti na lang iisipin kong bet niya yung tumbler na yun.

Nagpaalam muna kami kina Kim at sinabing susunod na lang kami sa location. Sakay ng kotse ni Ice, tinahak namin ang daan pabalik sa bahay.

Sinubukan kung kumbinsihin siya na wag na lang bumalik sa bahay at bumili na lang ng mineral water mamaya pero hindi pa rin siya pumayag. Jusko 'day! Bakit ang arte ng lalaking 'to? Kailangan yung tumbler lang talaga yung iinuman niya.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon