IAHPA 6

857 45 26
                                    

Dani's POV

Nang makabalik na sina Ice sa entablado, umupo na ako sa upuan na katabi ni Ali. Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Ice o ano. Para kasing tanga na titingin dito sa gawi namin tiyaka nakangiting mag-iiwas ng tingin.

Alam ko naman kung bakit siya ganyan, dahil dito sa babaeng nakangiti at enjoy na enjoy na nanonood sa kanila.

"Ali, sino 'yang babaeng 'yan?" mahinang tanong ko. Tumingin naman siya sa gawi ni Bea at nakangiting nagbalik ng tingin sa 'kin.

"Si Bea Alonzo 'yan. Siya yung gustong babae ni Ice pero wag ka lang maingay ha? Ayaw kasing ipaalam ni Ice kahit kanino ang tungkol dun lalo na kay Bea tiyaka sikreto lang yun ng barkada." sagot nito at ibinalik na ang atensiyon sa panonood.

Kaya pala parang naging maamong tupa agad 'tong yelong 'to nung dumating si Bea kanina. May gusto pala siya sa babaeng 'to.

Nakita kong sumulyap pa si Ice sa kanya at ngumiti. Mukhang malakas nga ang tama niya kay Bea.

Pero hindi ko naman masisisi si Ice kung nagkagusto siya kay Bea. Ang daming rason para mahulog siya sa babaeng 'to. Kagusto-gusto siya.

Ang ganda niya. Simple lang manamit pero makikita pa rin ang karangyaan. Sa mukha pa lang rin niya, masasabi ko na agad na ang bait niyang tao. Ang gaan lang ng aura niya.

Ang swerte ng taong makakatuluyan niya. Sana hindi si Ice. Ang sama ng ugali nun e.

"Dan, ano pang tinutunganga mo diyan? Halika na." Ilang beses ang kumurap nang marinig ang pagtawag sa 'kin ni Ali. Nakita ko silang nakatayo na at mukhang paalis na. Hindi ko namalayan na tapos na pala yung show.

Tumayo na ako at sumunod sa kanila. Sumabay ako kay Ali sa paglalakad. Medyo nahuhuli kami sa kanila.

"Bakit parang nakatulala ka dun kanina?" tanong ni Ali.

"Wala. May sumagi lang sa isipan ko." sagot ko. Tiningnan naman niya ako ng nakakaloko.

"Iniisip mo si Bea at Ice 'no? Nagseselos ka sa kanila?" nakangising wika niya. Jusko 'day! Ito na naman siya.

"Anong selos 'yang pinagsasabi mo diyan? Bakit naman ako magseselos dun?" Napakama-isyu talaga ng babaeng 'to.

"Siguro kasi may feelings ka na para kay Ice?" sabi niya at itinaas-baba ang mga kilay niya.

"Hindi ka ba nandidiri diyan sa mga sinasabi mo? Ako? Magkakagusto dun? Imposible!" Abot hanggang langit nga ang pagkabwisit ko sa lalaking 'yon tapos magkakagusto pa ako sa kanya? Jusko 'day!

"Walang imposible basta pag-ibig na ang pinag-uusapan." sabi niya at ngumiti.

"Dami mong alam. Bilisan mo na nga diyan." sabi ko.

Nagpatuloy na kami sa paglakad. Liliko na sana kami nang may nabunggo akong tao. Nahulog ko ang dala nitong folder. Dali-dali ko naman itong pinulot.

"Sorry po---" Natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko ang mukha niya. Shemay! Ang gwapo! Para siyang anghel na bumaba sa lupa.

"I'm sorry, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." sabi niya. Ang gwapo rin ng boses niya. Lalaking-lalaki.

"Ay naku, okay lang po. Ako nga dapat itong magsorry kasi nahulog ko pa yung dala mo." sabi ko at nginitian siya. Mahina naman siyang natawa.

Shemay! Pati tawa, ang gwapo rin. May pangit ba sa pagkatao niya? Parang wala e.

"No worries. It's okay." nakangiting sabi niya. Ang gwapo talaga!

"Ehem! Excuse me, tapos na ba kayong magsorry-han diyan?" biglang singit ni Ali.

"Hi Ali! Nandiyan ka pala." bati nitong gwapong nilalang sa harapan ko. Magkakilala sila?

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon