IAHPA 11

923 51 23
                                    

Ice's POV

Pagmamay-ari na siya ng iba. Tama na.

Hindi ko alam kung ilang ulit nang sinabi ng isipan ko 'yan. Paulit-ulit na lang. Nakakarindi na. Pero kahit na ilang beses pang sabihin 'yan ng isipan ko, hindi pa rin nakakaintindi 'tong puso ko.

Ilang araw na ang nakalipas matapos mangyari ang masamang pangyayaring 'yon. Ilang araw ko na ring sinusubukang limutin ang kung ano mang nararamdaman ko kay Bea.

Pumikit ako at bumuntong-hininga.

Paano? Paano ko makakalimutan ang kauna-unahang babaeng nagpatibok sa puso ko? Parang ang hirap naman.

Sa ilang araw na lumipas, sinubukan kong ibaling sa ibang bagay ang atensiyon ko at kahit papaano, kahit panandalian ay nakakalimutan ko yung sakit.

Sobrang nanghihinayang din ako sa maraming pagkakataon na dumatimg sa buhay ko para umamin sa kanya pero lahat ng iyon ay sinayang ko lang.

Pambihira naman kasi! Bakit kasi ako nagpadala sa katorpehan ko? Kung sana sinabi ko agad kay Bea na gusto ko siya, baka sakaling ako ang nagmamay-ari sa kanya ngayon at hindi si Zan.

Sigurado ka bang magugustuhan ka rin niya pabalik?

Oo naman. Sino bang hindi magkakagusto sa gwapong katulad ko? Lahat nagkakandarapa sa kagwapuhan ko kaya siguradong magugustuhan din niya ako.

"Ice? Gising ka na ba?"

Naputol ang pakikipagtalo ko sa isip ko nang marinig ko ang boses ni Manang mula sa labas.

"Opo!" sagot ko.

"Lumabas ka na riyan at bumaba. Nakahanda na ang pagkain doon sa baba. Bilisan mo na at baka ma-late ka sa trabaho mo." rinig kong sabi pa niya.

"Susunod na lang po ako." sabi ko. Narinig ko naman ang mga yapak niya papalayo kaya tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos ko maligo, lumabas na ako at bumaba.

Pagkarating ko sa kusina, nakahanda na ang almusal ko. Inaasikaso naman ni Manang ang pagkain ni Aphrodite. Agad na napatingin sa 'kin si Manang nang pumasok ako sa kusina.

"Kumain ka na at anong oras na." sabi niya. Tumango naman ako.

Mayamaya ay natapos na akong kumain. Lalabas na sana ako ng kusina nang makita ko si Aphrodite na nakatingin sa 'kin. Nilapitan ko ito.

"Hi baby!" sabi ko at yumukod. Hinaplos ko ang balahibo niya.

Ngayon ko na lang ulit napagtuonan ng pansin ang aso ko dahil nitong mga nakaraang araw, palagi akong nasa trabaho o 'di naman kaya ay mag-isamg nasa kwarto. Nakakamiss din 'tong baby ko.

"Sorry kung nawawalan ako ng time sa 'yo lately, may pinagdadaanan kasi ang daddy mo. Don't worry, babawi ako sa 'yo." sabi ko bago tumayo at umakyat sa taas para kuhanin ang cellphone ko sa kwarto.

Lumabas din agad ako at dumiretso sa garahe. Nagpaalam muna ako kay Manang bago tuluyang nilisan ang bahay at binaybay ang daan papunta sa ABS Network.

"Andito na si pusong sawi!" Iyan agad ang bumungad sa 'kin pagkapasok ko sa dressing room. Sinamaan ko naman ng tingin si Drake.

Magmula noong nakikisabay na ulit ako sa mga kalokohan nila, palagi na nilang akong inaasar. Bumalik na raw kasi ang dating Ice kaya babalik na rin daw sila sa pang-aasar sa 'kin.

"Siraulo!" sabi ko. Umupo ako sa bakanteng upuan.

"Alam mo, Ice, si Dani na lang ang jowain mo. Hindi ka niyan sasaktan." sabi ni Ali habang nagme-makeup kay Dustin.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon