IAHPA 38

959 62 13
                                    

Dani's POV

"Itinanggi ng aktor na si Ice Perez ang mga akusasyon na mayroon silang relasyon ng kanyang P.A na si Dani Viceral. Ayon sa aktor, hindi sila ng P.A niya ang nasa litratong kumakalat ngayon sa social media. Ngunit kahit ito ay itinanggi na niya, marami pa rin ang naniniwala sa mga isyung kumakalat tungkol sa kanya at sa kanyang P.A."

Napabuga ako ng hangin matapos mapanood ang balita. Itinanggi na nga pero ayaw pa ring maniwala ng mga tao. Ano bang dapat gawin para mawala na ang issue na 'yan?

Aaminin ko, nakaramdam ako ng kirot matapos mapanood ang interview ni Ice na itinatanggi niya ang relasyon namin. Ang sakit makita at marinig na itinatanggi ka ng mahal mo pero wala akong magagawa kung hindi tanggapin lahat. Mas makakabuti 'to para sa 'min lalong-lalo na sa kanya.

Binitbit ko na ang mga damit na gagamitin ni Ice at nagpaalam kay Manang. Medyo nagtagal din ako sa loob kaya kinakabahan ako na baka umalis na ang taxi na pinaghintay ko sa labas ng bahay.

"Pasensya na po at natagalan." paumanhin ko sa driver.

"Wala pong problema." sabi ni Manong at nagdrive na palabas ng village.

Nareschedule kasi ang production number nina Ice, Drake, at Dustin. Dapat sa susunod na araw pa 'yon pero nabigla na lang kami na mamaya na pala ite-tape kaya ito, kinailangan kong bumalik ng bahay para kumuha ng outfit niya.

Maluwag naman ang schedule nila kaya hindi na sila nagreklamo pa. Iniiwasan kasi muna nilang tumanggap ng guesting lalo na si Ice. Mahirap na, baka magtanong pa tungkol sa issue. Tiyaka utos din daw ng management kaya walang magawa ang ibang show kahit na gusto nilang imbitahin silang tatlo.

Pagbaba ko sa harap ng ABS building, hindi pa man ako nakakapasok ay may grupo ng mga babaeng humarang sa dadaanan ko.

"Ikaw ba ang P.A ni Ice?" tanong ng isang babaeng may hawak na plastic bottle.

Kinakabahan ako. Sigurado akong fans sila ni Ice at natatakot akong baka may gawin sila sa 'kin.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanila.

"Wala ka bang balak sumagot?" mataray na sabi pa ng isa. Palakas na ng palakas ang tibok ng puso ko. Ramdam kong may mangyayari.

"Wait, outfit ba 'yan ni Ice? Pwedeng paamoy?" Kaagad kong inilayo sa kanila ang bag na dala ko na naglalaman ng mga damit ni Ice.

"Bakit ayaw mo? Gusto mo ikaw lang ang umamoy niyan? Ha?!" Dahan-dahan akong umatras nang humakbang palapit ang babaeng mukhang leader nila.

Tumingin ako sa paligid at nakitang may iilang nanonood sa 'min pero wala man lang umaawat.

"A-anong sinasabi mo?" kinakabahan na tanong ko.

Gusto kong tumakbo para makalayo sa kanila pero nanghihina ang tuhod ko dala ng kaba. Anytime ay matutumba na ako dito.

"Wag ka ng magdeny pa, alam namin na may relasyon kayo. Hindi niyo kami maloloko." may halong galit na sabi pa ng babae.

"That's right and we will make sure na maghihiwalay kayo. Hindi kayo bagay! Hindi ka bagay sa kanya dahil bakla ka!" Tama na please. Tama na.

"Hindi totoo 'yan. Hin—"

Naputol ang dapat sanang sasabihin ko nang makaramdam ng malamig na tubig sa mukha ko. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin.

"Oops! Natapon. Sorry not sorry." rinig kong sabi ng isa sa kanila.

Saktong pag-angat ng mukha ko ay ang pagbuhos ng malamig na kung ano. Hindi tubig. Milktea?!

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon