IAHPA 35

1.3K 61 45
                                    

A/N: As requested and dahil sinipag din ako hahaha, here's my new year's gift for all of you, mga bakla. Happy New Year!

—•—

Dani's POV

Naghilamos agad ako nang magising at diretsong tinungo ang kwarto ni Ice. Birthday niya ngayon at gusto kong ako ang maunang bumati sa kanya. Ngiting-ngiti kong nilakad ang daan papunta sa kwarto niya at binuksan ang pinto.

"Happy Birth—" Nawala ang ngiti sa labi ko nang makitang walang taong nakahiga sa kama. Maayos na ang higaan at sobrang tahimik ng kwarto. Mukhang walang tao.

Ang aga naman yata niyang magising? Usually 9 or 10 AM siyang nagigising pero ngayon, 8 pa lang ng umaga ay wala na siya sa higaan niya. Nakakapanibago.

Bumaba na lang ako sa pag-aakalang nandoon siya pero halos malibot ko na ang buong bahay ay hindi ko pa rin siya nakikita. Saan ba nagpunta yun? Bakit hindi man lang nagsabi?

Inis akong pabagsak na umupo sa sofa. Ayokong mainis sa kanya kasi birthday niya pero kasi naman, bakit hindi man lang siya nagpaalam o nagsabi na aalis siya. Kainis talaga!

Nambabae kaya yun? Parang imposible naman. Sabi nga nila, patay na patay sa 'kin yun kaya hindi niya magagawang magloko. Tiyaka subukan lang din niya, lalayasan ko talaga siya.

Nabaling ang atensiyon ko nang makitang lumabas si Manang Faye mula sa kusina.

"Manang, nakita niyo po si Ice?" tanong ko sa kanya. Lumapit naman siya sa 'kin.

"Nagpaalam siya kanina na may pupuntahan lang daw siya saglit."

"Saan daw po?"

"Hindi niya nasabi e, mukhang nagmamadali."

Kahit kay Manang hindi siya nagsabi kung saan siya pupunta. Saan ba siya nagpunta at nagmamadali daw? Naku, malaman ko lang talaga na mag ginagawa siyang kalokohan, malilintikan siya sa 'kin.

Bumalik na lang ako sa kwarto at nagpasiyang maligo. Saglit lang naman daw siya so baka pagkatapos ko ay nandito na siya.

Balak ko sana na magcelebrate kami ng birthday niya dito sa bahay. Hindi naman kasi pwede na lumabas kami kaya dito na lang. Simple celebration lang, ipagluluto ko siya then kakain kami. Walang enggrandeng ganap.

Umasa rin ako na magkakaroon kami ng oras para magbonding ngayong araw. Lately kasi, palagi na lang siyang nasa kwarto at kaharap ang sketch pad niya. Hindi ko alam kung ano yung dinodrawing niya kasi ayaw niyang ipakita. Sikretong malupit daw, daming alam 'di ba?

Tatlong buwan na rin ang nakalipas nang maging official kami at dalawang araw mula ngayon, 3rd monthsary na namin. Nakabili na ako ng regalo pero hindi ko pa alam kung paano kami magce-celebrate. Pinoproblema ko pa ngayon yung birthday niya. Bakit ba naman kasi missing in action siya ngayon e.

Matapos ang matagal kong pagligo, lumabas na ako at nagtungo sa kwarto niya. Sinadya ko talagang tagalan ang pagligo ko para masiguradong pagkatapos ko ay nandito na siya. Sana naman ay nakabalik na siya 'no. Halos isang oras din ako sa banyo. Natanggal ko na nga yata lahat ng libag ko sa sobrang tagal ko doon.

Napangiwi na lang ako nang makitang wala pa ring tao sa loob ng kwarto niya nang puntahan ko. Kung ano yung itsura ng loob kanina, ganoon pa rin hanggang ngayon. Hindi pa rin siya dumadating.

Dumapo ang paningin ko sa bedside table niya kung saan nakapatong ang sketch pad na pinagkaabalahan niya lately. Ito na siguro yung perfect time para makita ko yung sketch niya.

Inihakbang ko ang kaliwang paa ko ngunit agad ding napahinto nang mapagtantong mali ang gagawin ko. Privacy. Hindi pwedeng pakialaman ko ang mga gamit niya. Kahit na sabihin nating kami na, hindi pa rin rason yun para gawin ko 'to.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon