IAHPA 36

1.1K 54 16
                                    

Dani's POV

"Sir Ice, stand by na raw po." Tumango si Ice sa sinabi ng staff bago ito umalis. Humarap siya sa 'kin.

"Wala bang goodluck kiss diyan galing sa maganda kong fiancé?" nakangising aniya at inilapit sa 'kin ang mukha niya.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Isang linggo na ang nakalipas matapos ang surprise proposal niya pero hindi pa rin nagsi-sink in sa 'kin na fiancé ko na siya. Hindi pa rin ako sanay.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng dressing room at nakitang kaming magkakaibigan lang ang nandito. Nahuli ko silang nakatingin sa 'min pero agad ding nag-iwas ng tingin at nagkunwaring may ginagawa nang tingnan ko sila. Halatang chismoso't chismosa talaga.

"Okay lang naman kung ayaw mo." Ilalayo na niya sana ang mukha niya nang mabilis ko siyang halikan sa labi dahilan para mapahinto siya.

Napangisi ako. Napapahinto pa rin talaga siya kapag hinahalikan ko sa labi. Hindi pa rin nasasanay sa mga halik ko. Wala ka pa ring pinagbago, Yelo ko.

"Nakascore din!" Sabay kaming napatingin kay Drake na malaki ang ngiti dahil sa nakita.

"Hindi na nakapagsalita si Ice o!" asar ni Ali. Natawa naman sila. Tumingin sa 'kin si Ice na parang humihingi ng tulong pero binigyan ko lang siya ng tingin na nang-aasar din.

"Matapos mo kong nakawan ng halik, 'di mo na ako tutulungan." nakangusong sabi nito. Aba naman! Ako pa talaga nagnakaw?

"Excuse me, ikaw kaya nanghingi diyan." pang-aasar ko pa.

"Sige, kumampi ka sa kanila. Hindi ka talaga makakakuha ng kiss sa 'kin." parang batang sabi niya.

"As if kaya mo." mayabang na sabi ko at kinuha na ang mga gamit na dadalhin ko mamaya sa studio.

"Wala ka pala kay Dani, Ice." rinig kong asar ni Dustin sa kanya.

"Ganyan 'yan. Palibhasa, alam niyang mahal na mahal ko siya." Mas lalong nag-ingay sa loob dahil sa banat ni Ice. Ito namang si Ali, panay ang tusok sa tagiliran ko dahil katabi ko lang siya.

Yelo, hinay-hinay lang sa banat. Namumula na mukha ko jusko 'day!

"Iba talaga ang spark pag ikakasal na." saad ni Drake.

"Kailan ba ang kasal?" tanong ni Ana. Nagkatinginan kami ni Ice.

"Wala pang date e." sagot niya.

Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol diyan. Wala pa nga kaming plano kung saan, hindi naman kasi pwede dito sa Pilipinas. Basta ang alam lang namin sa ngayon, magpapakasal kami. Kahit kailan o saan pa man 'yan.

"Tama na nga muna ang harutan, kailangan na nating pumunta sa studio." saad ni Ana.

"Hindi ka lang makarelate diyan. Paano e wala namang progress sa inyo ni Bernard." asar ni Ali sa kanya.

"Mapapasagot ko din yun. Antayin niyo lang." siguradong-sigurado na sabi niya.

Lumabas na kami ng dressing room at tinungo ang studio ng isang noontime show. Iyon din ang show na naging guest host si Ice kasama si Dustin at Drake. Ang kaibahan lang ngayon, magiging guest player naman si Ice sa isang segment nila.

Saktong pagdating namin ay nagsisimula na ang show kaya agad na pumwesto si Ice para ipakilala siya. Nasa gilid lang kami habang pinapanood ang mga nangyayari.

Malakas na hiyawan ang dumagundong sa buong studio nang lumabas na si Ice. Maski yata mga lalaki ay humihiyaw ngayon. Iba talaga ang charm nito.

Habang naglalaro, hindi ko maiwasan na hindi mapansin ang simpleng paghawak-hawak ni Ara kay Ice. Isa kasi siya sa mga host ng segment na 'to. Hindi ko na lang pinansin 'yon dahil kagaya nga ng sinabi ni Ice noon, kaibigan niya lang si Ara. At isa pa, may singsing na siyang binigay sa 'kin so bakit pa ako magseselos? Binalewala ko na yun at binaling na lang sa laro ang atensiyon.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon