IAHPA 12

903 46 23
                                    

Ice's POV

Nang makarating kami sa club, lumabas na ako ng sasakyan at ganoon din si Dani. Maraming tao ang lumalabas at pumapasok sa gusali. Inayos ko ang suot kong mask para hindi ako makilala ng mga tao rito.

Naglakad na ako papasok doon. Agad naman akong pinapasok ng nagbabantay sa labas dahil regular naman akong pumupunta rito kasama sina Drake at Dustin.

"He's with me." sabi ko sa nagbabantay nang harangan niya si Dani sa pagpasok. Agad naman niyang pinapasok ito nang sabihin ko 'yon.

Tinanggal ko na ang face mask ko nang tuluyan na kaming makapasok. Wala naman akong dapat ikabahala kung may makakilala sa 'kin dito sa loob. Marami rin naman kasing mga artistang katulad ko at iba pang personalities ang pumupunta rito.

At kahit na anong mangyari rito o kung may magawa man akong kung ano, panatag akong hindi ito malalaman ng publiko dahil sa golden rule dito na "What you witness here, stays here.".

Naglakad na ako papunta sa pwesto namin nina Drake palagi. Ramdam ko naman na nakasunod lang sa 'kin si Dani. Umupo agad ako nang marating na namin ang mesa na palagi naming pwesto. Umupo naman sa harapan ko si Dani.

"Sir Ice! Medyo matagal din po bago kayo bumalik ulit rito. Hindi niyo rin po pala kasama sina Sir Drake at Sir Dustin." sabi ng waiter na palaging nagse-serve sa 'min kapag pumupunta kami rito. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Naging busy kasi sa trabaho, maraming projects kaya ngayon lang ako ulit nakabalik. Si Drake at Dustin may trabaho pa kaya hindi nakasama." sagot ko sa kanya.

"May bago po pala kayong kasama." sabi pa nito.

"Yeah, he's my P.A." tugon ko. Ngumiti sa kanya si Dani at nagpakilala. Mayamaya lang ay kinuha niya ang order namin at umalis din agad.

Tumingin ako kay Dani at nakitang nakatingin siya sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Hindi pa masyadong malalim ang gabi kaya hindi pa masyadong wild ang mga sumasayaw doon.

"Hoy, bakit ang tahimik mo?" pagkuha ko sa atensiyon niya. Magmula kasi nang makapasok kami rito, hindi siya umiimik.

Tahimik ba siya dahil sa nangyari kanina nung hinawakan ko yung kamay niya? Maski ako nagulat nang mapagtantong hawak ko yung kamay niya. Hindi ko naman sinasadya yun.

"Wala naman kasi akong makakausap dito. Alangan namang kausapin ko sarili ko." sagot niya.

"Andito ako o. Pwede mo naman akong kausapin." sabi ko. Nagulat naman ako nang ngumiti siya ng nakakaloko.

"Nahiya ka pa. Sabihin mo na lang na gusto mo 'kong makausap." sabi niya at itinaas-baba ang kilay. Grabe naman ang bilib niya sa sarili niya.

"Wag kang mag-ilusyon!" sabi ko. Natawa naman siya at ibinalik na ulit sa dance floor ang paningin.

Mayamaya lang ay dumating na ang in-order kong inumin at pulutan. Binuksan ko agad ang inumin at nilagyan ang baso namin.

"Ang tapang naman nito." reklamo niya matapos amuyin ang alak.

"Inumin mo na lang." sabi ko at ininom ang laman ng baso ko.

"Uy uy uy, wag kang uminom ng marami baka malasing ka. Hindi kita kayang buhatin o akayin man lang." sabi niya nang makitang nagsalin agad ako sa baso ko. Umiling ako at uminom ulit.

"Kaya ko ang sarili ko. Uminom ka na nga lang diyan." sabi ko at sumunod naman siya.

Mabilis na naubos ang alak na iniinom namin kaya nag-order ulit ako. Napansin ko naman na nagiging madaldal na 'tong kasama ko. Hindi ko alam kung tinamaan na ba 'to o umaatake lang talaga ang pagiging madaldal niya.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon