IAHPA 23

1K 45 30
                                    

Ice's POV

Ang gulo. Hindi ko maintindihan.

Ilang araw na akong ganito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Gusto ko na ba siya?

O baka naman...

Hindi. Hindi pwedeng maramdaman ko agad 'yon.

Ano ba naman 'to?!

Sinusubukan kong umiwas kay Dani pero hindi ko magawa kasi una sa lahat, nasa iisang bahay lang kami. Paano ko magagawa 'yon? Tiyaka iniiwasan ko rin na mahalata niyang may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya.

Kaya sa nakalipas na mga araw, hangga't maaari, tumatahimik lang ako. Mahirap na, baka may masabi pa akong iba.

At ngayon, kahit na wala naman akong schedule sa trabaho, pupunta pa rin ako sa ABS building. Doon na lang muna ako tatambay. Ayokong manatili sa bahay, nandoon si Dani.

Gumising ako ng maaga at nagpaalam kay Manang bago umalis. Pagdating sa dressing room, nagulat sila nang makita ako.

"Ice, bakit nandito ka? Wala ka namang trabaho ngayon?" nagtatakang tanong ni Ana pagkapasok ko.

"Tambay muna ako rito." sabi ko.

Hindi na nila ako pinansin at bumalik na sa kanya-kanya nilang ginagawa. Tahimik lang naman akong nakaupo at pinapanood ang ginagawa nila. Busy si Ali sa pagme-make up kay Dustin, si Drake naman ay may kinakabisado na sayaw habang si Ana ay may kausap sa telepono.

Kumpleto sana ang barkada kung nandito si Da---

Pambihira! Sumagi na naman siya sa isip ko.

Malala na 'to.

Inis akong pumikit at sumandal sa kinauupuan ko.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit nakapikit ka diyan?" Dumilat ako at nakita si Dustin at Drake sa harapan ko. Mukhang ready na sila para sa mamaya. Napansin ko rin na wala sina Ali at Ana dito. Mukhang lumabas.

"Ah wala." tipid kong sagot. Nakita kong nagkatinginan silang dalawa.

"Ang weird mo. Kaunti na lang, iisipin naming nababaliw ka na." sabi ni Drake. Baka nga nababaliw na ako.

"Teka, bakit 'di mo kasama si Dani? Himala yatang hindi kayo magkadikit ngayon. Parang dati kasi hindi na kayo mapaghiwalay. Daig niyo pa magjowa." sabi ni Dustin at ngumisi. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit niyo sa 'kin hinahanap?" kunyaring naiinis na tanong ko.

"Syempre, iisa lang kayo ng bahay." sagot ni Drake. Oo nga pala. Tanga mo, Ice!

"W-wala. Hindi siya sumama." Hindi ko naman kasi sinabi na pupunta ako dito. Pagkagising ko kasi kanina, tulog pa siya kaya 'di ko na sinabi. Para makaiwas na rin ako sa kanya.

Hindi naman sila sumagot at umupo na lang. Napapikit ulit ako nang pumasok na naman sa isipan ko si Dani.

Puro na lang Dani! Pambihirang utak 'to!

"May problema ka ba?" biglang tanong ni Drake. Dumilat ako at umiling.

"Parang meron e. Ano ba 'yon?" seryosong tanong ni Dustin. Basta talaga problema ang pinag-uusapan, tumitino siya. Hindi katulad ni Drake, puro kalokohan ang alam.

"May connect ba 'yan kay Dani?" nakangising tanong ni Drake at tinaas-baba ang kilay.

"Iyan! Dahil sa pang-aasar niyo kaya may nabuong---" Automatic na tumigil ako sa pagsasalita. Muntikan ko ng masabi.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon