IAHPA 7

874 50 50
                                    

Dani's POV

Mahigit isang buwan na ang nakalipas matapos ako magkaroon ng bagong trabaho. Pakiramdam ko, magtatagal na talaga ako sa trabahong 'to.

At sa mahigit isang buwan na 'yon, wala namang masyadong nangyaring kakaiba dahil panay pa rin ang bangayan namin ni Ice. Sanay na rin naman sa 'min ang mga kaibigan namin.

Dahil lagpas isang buwan na ako sa trabaho, nakatanggap na ako ng sweldo. Nagpadala ako sa probinsiya ng pera para kina Nanay at 'yong natira ay pinambayad namin sa gastusin sa apartment.

Medyo may nagbago na rin sa itsura ko. Ang dating itim kong buhok, ngayon ay blonde na. Naisip ko kasi na parang ang boring kung itim yung buhok ko kaya kinulayan ko ito. Natuwa naman ako dahil maraming nagsabi na bagay daw sa 'kin ang ganitong buhok. Isang tao lang talaga ang umangal. Sino pa ba? Edi 'yong taong yelo na 'yon.

Sabihan ba naman akong hindi bagay sa 'kin ang bagong hairstyle ko at mukha akong Amerikanang hilaw? Bwisit talaga e.

"We're here na!" sigaw ni Ali pagdating namin sa dressing room. Nakuha niya ang atensiyon ng lahat na nasa loob. Lahat sila nandito na.

"Saktong-sakto yung dating niya. Tapos na kami rito. Tara na sa baba." sabi ni Ana. Kinuha ko muna yung mga gamit ni Ice bago kami tuluyang bumaba ng building.

May photoshoot ngayon sina Drake, Ice, at Dustin para sa isang magazine. At ngayon, pupunta na kami sa lugar na sinabi sa 'min kung saan magaganap ang photoshoot.

Pagdating namin sa parking lot, may van na naghihintay sa 'min doon. Sumakay na kami at agad na nagmaneho ang driver. Medyo naipit pa kami sa traffic habang nagbibiyahe.

Nang makarating, agad kaming sinalubong ng mga staff ng kompanya ng magazine.

"Andito na ang SND!" sigaw ng isang babae. Lumingon-lingon naman ako sa paligid. Wala naman kaming ibang kasabay na dumating. So sino yung SND?

Lumingon ako kay Ali at bumulong sa kanya.

"Sinong SND?" Mahina siyang natawa.

"Tayo 'yon. SND stands for Squad Next Door, 'yon kasi ang tawag nila sa barkada natin." paliwanag niya sa 'kin.

"Bakit naman Squad Next Door?" tanong ko pa.

"Hindi ba kapag tinawag na Boy Next Door, ibig sabihin ay gwapo na lalaki? Kaya Squad Next Door ang tawag nila sa 'tin kasi magaganda at gwapo ang kasali sa barkada o squad natin." sagot ni Ana. Hindi ko napansin na napalakas pala yung pagtanong ko.

"Magaganda at gwapo?" Isa-isa ko silang tiningnan hanggang sa tumigil ang paningin ko kay Dustin.

"O bakit?" tanong niya nang mapansing nakatingin ako sa kanya.

"Wala naman." sabi ko at bahagyang natawa.

Nagpatuloy na kami sa paglakad papasok sa isang building. Dinala kami ng mga staff sa isang studio. May nakaset-up nang background sa loob ng studio at may iilan ring mga taong nandoon. Dito siguro gagawin yung photoshoot.

Pumasok na kami sa loob. May ilang silid sa loob. Dinala kami ng staff sa isang silid na naroon. Nilapag ko agad sa mesa ang mga gamit ni Ice na gagamitin niya sa photoshoot habang ang maliit na bag naman niya ay dala-dala ko pa rin. Importante raw kasi ang laman ng bag niya kaya wag kong ilalagay kung saan-saan. Ang daming arte e maliban sa cellphone at wallet, notebook at lapis lang naman laman nito.

Lumabas na ako sa silid na 'yon ng sinimulan ng ayusan sina Ice, Drake, at Dustin. Dala-dala ko rin 'yong mahiwagang tumbler ni Ice. Mahirap na, baka mauhaw 'yon bigla tapos magalit ns naman kapag hindi ko naiabot agad sa kanya ang tumbler niya.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon