IAHPA 17

1K 63 42
                                    

Ice's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang pangyayaring 'yon. Dalawang linggo ko na ring hindi nakakausap at nakikita si Dani. Ni anino niya hindi namin nakita rito. Hindi man lang siya nagparamdam.

Bakit naman kasi siya magpaparamdam eh galit yun sa 'yo?

Oo nga pala. Kahit kailan talaga 'di ako nag-iisip.

Sa loob ng dalawang linggo na yun, si Ana ang umaasikaso sa 'kin dahil nga wala naman akong P.A. Mabuti na lang at hindi pa nalalaman ni Mama na wala na naman akong P.A dahil kung hindi, maghahanap na naman yun ng ipapalit kay Dani.

"Tara na, Ice!" rinig kong tawag sa 'kin ni Dustin kaya kinuha ko na ang bag ko at lumabas.

Pauwi na kami ngayon. Kakatapos lang ng taping namin sa isang show. Gabi na nang matapos kami.

Nang nasa tapat na kami ng elevator, bumukas ito at saktong walang tao sa labas. Pumasok na kami at pinindot ni Ana ang ground floor.

"Dalawang linggo na Ice ha. Wala ka pa rin bang gagawin? Hindi mo ba susuyuin? tanong ni Drake. Sigurado akong si Dani ang tinutukoy niya.

"Bakit ko naman siya susuyuin? Hindi ko naman siya girlfriend." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Sa totoo lang, gustong-gusto ko na siyang kausapin. Gusto ko ng humingi ng tawad sa kanya pero palagi akong pinapangunahan ng kaba at takot ko. Para akong tinakasan ng lakas ng loob.

"Bakit 'di mo bisitahin?" saad ni Dustin. Matagal ko na talagang pinag-isipan na bisitahin siya pero bukod sa wala pa akong lakas ng loob, hindi rin ako makahanap ng oras para bisitahin siya. Ang hectic ng schedule ko ngayon e.

"Hindi pwede, wala akong time." sagot ko.

"Hindi ka naman magtatagal sa pagbisita sa kanya. Magso-sorry ka lang at kakausapin siya kahit sandali, okay na yun." sabi naman ni Drake. Ano bang problema ng dalawang 'to? Bakit gustong-gusto nila na kausapin ko na si Dani?

"Bakit atat na atat kayong puntahan ko si Dani?" tanong ko sa kanila. Bumukas na ang elevator kaya lumabas na kami at naglakad palabas ng building.

"Para bumalik na siya. Miss na miss na kasi namin si Dani." wika ni Dustin. Sumang-ayon naman ang iba naming kasama.

"Bakit hindi na lang kayo ang bumisita? Kayo naman 'tong miss na miss na siya." sabi ko.

"Hindi mo ba siya nami-miss?" tanong ni Drake at nginitian ako ng nakakaloko.

"Hindi." Medyo. Medyo lang naman.

"Wag mo kaming lokohin, Ice. Alam naming miss mo na si Dani kaya puntahan mo na siya para hindi na ako maging P.A mo. Kapagod kaya." sabi naman ni Ana.

Nakarating na kami sa may parking lot kaya naghiwa-hiwalay na kami matapos magpaalam sa bawat isa. Sumakay na ako sa kotse at nagmaneho. Nakita ko naman sa tabi ng daan si Ali na mukhang hirap sa pagpara ng masasakyan. Huminto ako sa tapat niya at ibinaba ang bintana.

"Sabay ka na sa 'kin." sabi ko at ngumiti.

"Wag na. Out of the way yung apartment ko papunta sa bahay mo." sabi nito.

"Ayos lang yun. Dali na. Hatid na kita." pamimilit ko pa.

"Gusto mo lang yata makita yung pinsan ko e." pang-aasar nito. Mabuti na lang at madilim, hindi niya mapapansin ang pamumula ng mukha ko.

"H-hindi. Ihahatid lang kita." halos mautal na sabi ko. Natawa naman siya at sumakay na sa passenger seat.

Nagkaayos na kami ni Ali matapos kong kausapin siya. Si Dani na lang talaga ang hindi ko pa nakakausap.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon