IAHPA 43

1K 54 15
                                    

Dani's POV

"You may now kiss the bride."

Umukit ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sinabi ng pari. Ito na nga, ikakasal na kami. Ikakasal na kami ng legal.

Inangat ni Ice ang suot kong veil at marahang hinawakan ang pisngi ko. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa 'kin dahilan para mapapikit ako.

Ito na. Ito na talaga. Ito—

"Dandan!" Naudlot ang magandang panaginip ko nang marinig ang isang boses na nagpagising sa 'kin.

Jusko 'day, panaginip lang pala. Akala ko naman totoo na.

"Ano ba?" may bahid ng inis na sabi ko sa kanya.

"O bakit ka naiinis? Ikaw na nga 'tong ginising ko e."

"Kasi naman, ang ganda ng panaginip. Magki-kiss na—" Napahinto ako sa pagsasalita. Jusko 'day, muntikan na! Paniguradong mang-aasar 'to pag nalaman niya na siya ang napanaginipan ko.

"Anong magki-kiss? Sinong magki-kiss ha?" kunot-noong tanong niya at nilapit sa 'kin ang mukha. Idinistansya ko ang mukha ko sa kanya.

"W-wala." Umupo siya sa harapan ko at tiningnan ako ng maigi. Napalunok naman ako dahil sa pagtitig niya. Mayamaya lang ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha niya.

"Napaginipan mo ko 'no?" Nanlaki ang mata ko at agad na umiling.

"H-hindi ah. Assuming." tanggi ko. Natawa ito at kinurot ang magkabila kong pisngi.

"Sus naman! Itong misis ko talaga, pati sa panaginip, pinagpapantasyahan ako."

"Ang kapal mo! Hindi nga sabi!" Inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakakurot sa pisngi ko. Sakit nun ha.

"Cute mo. Maligo ka na nga, baka may mangyari pang honeymoon dito. Nakashort ka pa naman." sabi nito at pinasadahan ang nakalitaw kong binti. Kaagad ko itong tinakpan ng kumot.

"Manyak ka! Labas na nga." Tinulak ko siya paalis ng kama. Ninakawan muna ako nito ng halik sa labi bago natatawang lumabas ng kwarto.

Napangiti na lang ako dahil sa nangyari ngayong umaga. Walang pagsidlan ang saya ko. Nag-uumapaw.

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang nangyaring kasal sa probinsiya namin. Kahit na hindi legal ang kasal na yun, ramdam na ramdam ko pa rin ang pagiging misis sa kanya at pagiging mister niya sa 'kin. Magmula nang araw na 'yon, mas lalo siyang naging maalaga at maasikaso. Sabi ni Nanay, ganito daw talaga pag bagong kasal, mas nagiging sweet sa isa't isa.

Nakabalik na rin kami sa Maynila. Kahapon lang. Gusto pa sana nilang manatili ng ilang araw doon pero hindi naman pwede kasi may mga trabaho pa sila. Nalaman ko rin na may bagong project sina Ice, last project niya. Sa katunayan, ngayong araw na ang press con nila kaya maaga niya akong ginising. Ayaw niya sana akong pasamahin mamaya sa venue pero nagpumilit ako. Matapos ang lahat ng nangyari, natuto na akong mawalan ng pakialam sa sasabihin ng iba. Ang mahalaga ay ang kami.

Tumayo na ako at naglakad papasok sa banyo at naligo. Hindi na ako nagtagal sa loob dahil baka malate pa si Ice dahil sa 'kin. Hinanda ko na ang bag na dadalhin ko at nilagay doon ang ilang gamit ni Ice. Balik P.A duties ulit ako. Aaminin ko, namiss ko rin 'to. Nakakamiss maging P.A niya. At ngayon, susulitin ko na ang pagiging P.A sa kanya dahil pagkatapos nito, tuluyan na siyang aalis sa showbiz. Pero kahit naman hindi na siya artista, I will still be his P.A. Always.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Ice na nilalaro si Aphrodite. Dumapo ang tingin niya sa 'kin at ngumiti bago iwan ang aso. Inilapag ko sa katabing upuan ang bag at umupo sa tapat niya.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon