IAHPA 8

858 51 9
                                    

Dani's POV

Agad akong bumaba ng traysikel pagkarating ko sa ABS Network. Lagot! Late na talaga ako.

Tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha mula sa bag ko at sinagot nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

(Dani, nasaan ka na ba?)

Si Ali lang pala.

"Nandito na. Paakyat na ako diyan."

Pagkabukas ng elevator, pinindot ko agad ang number ng floor kung nasaan ang dressing room.

(Bilisan mo na. Kanina pa galit 'tong boss mo.)

"Ikaw kasi e. Bakit hindi mo ko ginising?"

(Hoy, ilang beses kitang ginising kanina pero panay sabi ka lang ng 5 minutes kaya iniwan na lang kita doon. Ikaw naman kasi, hindi ko alam kung anong pinagpupuyatan mo e wala ka namang jowa.)

Bigla akong napalunok nang maalala ang dahilan kung bakit ako napuyat.

"Ah basta sabihin mo na lang na malapit na ako. Nasaan na ba kayo?"

(Nandito na kami sa studio. Diretso ka na lang dito.)

"Sige. Malapit na ako."

Ibinaba ko na ang tawag at lakad-takbong tinungo ang studio kung nasaan sila. May guesting kasi yung tatlo sa isang talkshow ngayon.

Pagkadating ko sa studio, saktong nagpapaalam na yung tatlo sa host. Nakita ko naman sina Ali na nakapwesto sa gilid kaya lumapit ako.

"Ang tagal mo ha." sabi ni Ali pagkalapit ko.

"Uy Dani, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Ana nang makita ako.

"Medyo na-late lang ng gising." sagot ko. Ibinalik na niya ang tingin sa harapan kaya ganoon din ako. Nakita kong papalapit sa 'min sina Ice, Drake, at Dustin. Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Ice.

Iyan! Iyang lalaking 'yan ang dahilan kung bakit ako napuyat.

Kung hindi naman kasi dahil doon sa ginawa niya kahapon sa photoshoot, edi hindi ako mapupuyat kakaisip kung bakit parang may balak siyang halikan ako. Lintik! Sino ba naman kasing hindi mapa-praning doon? Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya tingnan ang mahiwaga kong labi.

May pagka-manyak din 'tong yelong 'to e.

"O, bakit ka nandito? Akala ko nagresign ka na." sabi niya at sinamaan ako ng tingin.

"Asa! Hindi ako agad-agad na sumusuko." nakataas ang kilay na sabi ko. Akala niya diyan ha!

"E bakit ka na-late? Alam mo bang ayaw na ayaw kong nali-late ang P.A ko?" seryosong sabi niya. Nakaramdam naman ako ng kaba.

"Ikaw naman may kasalanan e." mahina kong sabi.

"Ano?" naiiritang wika niya.

"Wala! Ang sabi ko, hindi na mauulit." sabi ko at inirapan siya. Nakakainis 'tong lalaking 'to.

"Dapat lang." sabi niya at nilagpasan ako.

Lintik na lalaking 'to! Parang kahapon lang, kung makatitig sa labi ko parang may balak na angkinin 'to tapos ngayon susungit-sungitan niya ako?! E kung batukan ko kaya siya para maalog ng kaunti 'yong utak niya? Bwisit talaga e.

Medyo natagalan pa kami sa paglabas sa studio dahil may mga fans pang nagpa-picture sa kanila. Sa dami nila, hindi ko maipagkakailang sikat nga silang tatlo.

I Am His P.A || COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon