Chapter 26

4.5K 131 30
                                    

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. The girl is hugging Eero. Hindi naman nakayakap sa kaniya si Eero and his figure looks kinda blurry.

Naka side sila parehas. Hindi ko rin nakita ang mukha ng babae dahil nasa kabilang side iyon.

Parang ang sarap manakit. Naka tingkayad pa siya na akala mong nasa isang kdrama. Kung hampasin ko kaya siya ng tsinelas?!

Ilang minuto ko rin iyong tinitigan. Hindi ko maintindihan.

My vision became blurry. Hindi ko alam pero naiiyak ako. Bakit ba ako umiiyak? Hindi ko pa naman naririnig ang paliwanag ni Eero, a? Pero magpapaliwanag kaya siya e hindi nga ako magawang tawagan.

"Thank you for telling me this, Isabella. I owe you a lot. I have to go." nanghihina kong sabi.

She smiled weakly, "Stay strong..."

Tumango ako sa kaniya at nauna nang umalis sa coffee shop.

Hindi ko na alam ang gagawin. I took out my phone from my pocket and texted Eero.

Me : Still busy?

I stared at my phone while waiting for the elevator. Kung noon ay kakasend ko palang ng text ay mag r-reply na siya agad, ngayon wala pa rin.

Okay. It's totally fine, Amory. Why are you even crying?

Pinalis ko ang aking luha at umayos ng tayo. Naiintindihan ko siya. Hindi lang naman sa'kin umiikot ang mundo niya kaya bakit ako maiiyak sa simpleng hindi niya lang pag text?

Pero hindi siya ganito noon...

Nakarating ako sa unit nang tulala. Natuyo na ang luha sa pisngi ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.

I sat on couch still thinking about everything. Hindi ko nga napansin na nakaupo rin si Ace sa couch.

"Anong nangyari sayo?!" sigaw niya sa akin at saka ako niyakap. Na-trigger nanaman ang mga luha ko kaya sunod sunod silang bumagsak.

Humikbi ako, "Gusto kong umuwi..." I cried so hard.

"Sshh... oo uuwi tayo." sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

Ilang minuto ata ako iyak nang iyak. Tumigil lang ako nang makaramdam ng gutom.

"Ace..." tawag ko sa kaniya at lumayo sa kaniya. Tinignan naman niya ako na parang hinihintay ang sagot ko.

"Gusto ko ng ice cream." sabi ko.

Tumango siya at tumayo para kunin ang wallet niyang nasa kitchen counter top. I saw her brushing her hair using her fingers at ipinagpag pa ang damit.

"Saan ka pupunta?" sabi ko habang sinusundan siya ng tingin.

"Bibili ng ice cream. Kakaubos ko lang no'ng isa, e." she said, shyly.

Umayos ako ng upo, "Gusto ko ng strawberry ice cream."

Kumunot ang noo niya pero agad ding tumango. Umalis na siya at ako naman ay naiwan mag-isa sa loob.

Ang dami kong gustong kainin pero ayaw ko namang pagurin nang masyado si Ace. Ako na nga lang ang nakikisuyo, e.

I decided to do my other activities. Ilang activity na ang nagawa ko pero pakiramdam ko'y hindi sila nababawasan.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang waa pa ring text mula kay Eero.

That's the answer you're looking for, Amory. He's still busy with something or someone.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon