Chapter 11

4.5K 156 22
                                    

We decided to go to Batangas for a short vacation. Wala naman silang angal doon. Inimbita ko rin sila Mommy at Daddy pero busy daw sila sa trabaho. Ang lungkot nga ni Mommy habang kausap ko noong nakaraan eh. Hindi lang talaga niya mabitawan 'yong trabaho niya.

Samantalang 'yong tatlo ay pumayag na rin.  Marcus even joked on bringing a girl over. Parang 'di nila sineseryoso ang trabaho nila pero that's impossible. Their companies are one of the most successful out there. Paano kaya nila iyon nagagawa?

Today is Friday. Kasalukuyan akong nag hahanda ng mga susuotin ko para bukas. Wala naman gaanong nangyari sa klase namin kanina. Niremind lang kami sa internship namin which I took so seriously.

Everything was set. Isabella was beyond excited. She kept on texting me pictures of her bikinis. Pinapapili pa ako kung ano ang mas maganda. Everything looks good on her though!

Halos mapuyat pa kami kagabi dahil sa sobrang daming damit na ipinapakita niya. Kung hindi lang siya nakaramdam ng antok ay paniguradong aabot kami hanggang umaga.

The next morning I felt exhilarated. Ngayon ko lang naramdaman sobrang excitement. I've been to a lot of beaches but this one's different. I'm with my friends.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a white long sleeve polo crop top and a denim skirt. Naglagay din ako ng silver hoop earrings. I completed the look with a white sneakers.

I went outside my room while carrying my travel bag. Naabutan ko naman si Ace na naka yellow floral dress at parang may kaaway pa sa telepono. Galit na galit kasi siya mag tipa. Nakakunot pa ang kaniyang noo. Napatigil siya sa pagtitipa nang marinig ang tunog ng aking pinto.

"Naks. Ganda natin, a." pagbibiro niya.

"Alam ko."

Sobrang aga pa pero pinilit ako ni Ace na mag-ayos na. Nakakahiya naman daw kasi sa iba kung paghihintayin pa. Ibinaba ko ang aking bag sa isang gilid. Umupo ako sa couch at ginaya naman niya iyon.

"Kumusta ang plano? Mukhang wala ka namang ginagawa pero kumusta?" bigla niyang tanong sa'kin.

I didn't answer her immediately. Gusto kong sabihin sa kaniya na mukhang walang nangyayari. Ayokong makasakit ng tao pero alam ko noong pinasok ko ito, may masasaktan talaga ako. Hindi man ako magustuhan ni Eero, paniguradong masasaktan o magagalit siya kapag nalaman niyang niloloko namin siya.

Kasama na siguro talaga sa buhay natin ang masaktan. Alam ko na iyan simula pa lang noong bata ako. Nasa atin na lang siguro kung paano ito maiibsan. Naisip kong palagi akong masasaktan at walang makatutulong sa akin bumangon kundi ang sarili ko.

Ayoko rin nananakit ng ibang tao. Hindi ko lang talaga maiwasang magalit noong nakita kong umiyak si Ace noong galing siya sa TR. Hindi tamang manakit dahil lang nasaktan ka. I just didn't think about it thoroughly. Naunahan ako ng emosyon ko. That was a mistake pero hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. Ang magagawa ko nalang ay ang pag iwas sa kaniya.

Napansin ata ni Ace ang hindi ko pagkibo kaya ngumiti siya sa akin at nagsalita ulit, "Kung hindi ka na komportable, tigilan na natin. Ayokong pilitin ka sa mga bagay na ayaw mo."

Nginitian ko lang siya, nanlulumo. Ramdam niya kung gaano ako ka-guilty sa mga ginagawa ko. Paano ko sasabihin kay Eero na ang pagkikita namin at ang pagpunta ko sa lamesa nila noon ay hindi coincidence lang.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon