Chapter 14

4.1K 128 2
                                    

"Tigilan mo nga!" narinig ko pang sigaw ni Ace.

Lumabas na ako para tuluyan silang lapitan.
Nanlaki ang mga mata ni Ace nang makita niya ako.

"Amore? Kanina ka pa riyan?" she said, stuttering.

Sinulyapan ko ang lalaking kausap niya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Ethan iyon!

"Ethan?" hindi makapaniwalang sambit ko.
Siya si Zam Ethan Salazar! 'Yong kaibigan namin dati ni Ace noong high school kami. He's more mature since I last saw him. Malamang dahil high school palang kami noong huli ko siyang nakita.

Tumango lang ako sa kaniya kahit gusto ko siyang kumustahin. Hinawakan ko si Ace sa pulsuhan niya, "Mag-uusap tayo mamaya." malamig kong sabi at iniwan na sila roon.

Bumalik na ako sa kwarto namin at inayos ko na ang gamit ko.

Ano bang ginagawa mo, Ace?

Ang tanga tanga ko dahil hindi ko man lang naisip na mag tanong sa kaniya. Halatang-halata sa mga kilos niya pero hindi ko tinanong dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya.

Napahilamos ako ng mukha. Hindi ko namalayang tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pilit kong tinatago ang mga hikbing gustong kumawala. Nag mukha akong tanga. Paano niya nagawa 'to? Pinalis ko ang mga luha sa mata ko.

Ilang minuto akong tumulala at piniling mag cellphone nalang. Hindi ko pinapansin ang mga taong pumapasok sa silid namin.

"Thank you for visiting Villa La Isla! We're looking forward on seeing you guys again!" sabi ng receptionist pero nanatiling blangko ang mukha ko. Bitbit ko ang sarili kong bag at walang pinapansin na kahit sino. I am also wearing my wayfarers dahil namumugto ang mata ko.

Kahit si Ace ay pinipilit akong kausapin pero nilalayuan ko siya. Gusto kong mapag-isa hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag niya.

I saw Ethan too. Mukhang na sorpresa pa ang iba naming mga kasama noong makita siya. Alam kong kapatid siya ni Eero. Dahil bukod sa magkahawig sila, magka apelyido pa sila. Hindi naman ako tanga para hindi maisip iyon agad. I rolled my eyes mentally. Kaya pala pamilyar ang apilido ni Eero. Same initials pa sila ng kapatid niya. Z.E. Bobo ka talaga Amory.

Nakita ko rin ang mga namumuong luha sa mga mata ni Ace pero umakto akong walang pakialam. Napansin na rin ng iba na magkalayo kami ni Ace at parehas na tahimik pero kahit isa sa kanila ay walang balak na mangialam.

"Are you okay?" Eero whispered. Tila naging magic word iyon para tumulo nang sunod sunod ang luha ko. Tumalikod ako at umiwas sa kaniya para mauna na sa sasakyan. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan pero pinilit kong kumawala sa pagkakahawak niya.

Kahit sa sasakyan ay nanatili akong tahimik. Pumikit ako pagkatapos kong ipasak ang earphones ko kahit wala namang music iyon. Ayaw ko lang talaga ng kausap.

Pagkadating sa condo ay agad na akong bumaba para mauna na. I even saw Ethan and Ace together. Hindi na ako nag paalam. Alam kong iniisip nila ang bastos ko pero hindi ko talaga kaya ngayon. Hindi ko na rin nilingon pa si Eero.

Pumasok ako sa kwarto ko at padabog itong sinara. Nagpalit ako ng damit na pambahay. Itinali ko ang buhok ko at lumabas para kumuha ng maiinom. Kaonti nalang ma d-dehydrate na ako.

Hindi na ako nagulat nang makita sina Ethan at Ace sa sala. Hindi ako nag pakita ng kahit anong reaksyon at nag dire-diretso lang sa kusina.

"Amore..." she trailed off. I just stared at her with my cold eyes. Sinulyapan ko si Ethan pero nakay Ace ang tingin niya.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon