It was the third day of our internship. Kahapon ay nagsimula na kaming mag serve at kumuha ng orders. Ayon muna ang itinuro sa amin. Na-try ko na rin ang mag bake. Hindi naman ako nataranta dahil 'di naman gaanong maraming customer kahapon. Chill lang nga si Cyprian.
Kahapon pa tawag nang tawag si Eero. Busy siya sa opisina pero nagkakaroon pa rin siya ng oras para i-text at tawagan ako. Masyado lang talaga akong nahihiya para sagutin siya. Na g-guilty pa rin ako dahil sa ginawa namin ni Ace. Ilang araw ko na rin siyang 'di nakikita.
"Hi Ma'am! May I take your order?" I heard the cashier said. Nasa kusina ako ngayon at nag b-bake ng chocolate croissants.
Sinabi na nila ang recipe sa'kin at may naka antabay sa akin, si Takahiro. Malaki ang kitchen area nila rito kahit mag chinese garter pa kami rito ni Cyprian ay ayos lang pero siyempre hindi namin iyon gagawin.
"'Yan, Amory. You just need to watch them para maging perfect ang kalabasan." pagpapaalala niya pa sa'kin. Baking croissants in general is a big challenge for me. I have to make sure the butter is in the perfect temperature. We just have to make them from scratch kasi.
"Thank you Takahiro, ah? Hindi namin alam ang gagawin kung wala ka dito." nahihiya kong sambit. Tumango si Cyprian bilang pag sang-ayon sa sinabi ko.
"Idol na kita Takahiro!" si Cyprian.
Si Takahiro ang head nila rito. He's half japanese. He's nice to everyone. Hindi lang siya guwapo, mabait din. No'ng nakita ko sa unang pagkakataon, he looks familiar. Hindi ko lang matandaan.
Noong unang araw namin dito ay siya agad ang nag turo sa amin sa lahat ng kailangan naming malaman.
Takahiro chuckled, "You're better than me when I was just a student like you. Naalala ko noong may gusto akong pastry. I watched a lot of videos at ilang beses ko nang ginawa pero puro palpak. Just practice more. Kayang kaya niyo iyan!"
"No one knows how to do things from the beginning. But practicing can make you do better." dagdag niya pa.
Everytime Takahiro speaks, may matututunan ka talaga. Sineseryoso niya talaga ang pag b-bake. I admire him for that.
"Mga ilang practice pa ba idol?" Cyprian joked.
Tumawa lang kami at nag kuwentuhan ng kaonti habang hinihintay ang chocolate croissants.
"Ms. Zaraiah! May naghahanap sayo sa labas!" Manager Yas called me. Naghugas ako ng kamay at lumabas na para tignan kung sino ang naghahanap sa akin. I roamed around the bakery. I still love the vibes of it. Amoy tinapay talaga. The whole bakery is vintage themed. Pakiramdam ko'y bumalik ako sa nakaraan.
I was shocked to see Isabella at one of our tables sitting with poise and waving at me. Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalamang nandito ako? Sinabi ba ni Ace? Natatandaan kong sinabi ko sa kaniya kung saan kami naka-aasign eh.
Sumulyap ako kay Manager Yas para humingi ng permiso. Dahil wala naman gaanong customer ay tumango siya. I removed my apron and went to Isabella's table.
"What are you doing here?" I said, perplexed. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na pupuntahan ako ni Isabella. She really hates doing extra efforts for other people. Sa ikli ng pinagsamahan namin, ayon ang napansin ko sa kaniya.
"Siyempre para kumustahin ka! We haven't seen each other for two days! Hindi mo na nga ako kinausap bago ka umakyat sa bahay niyo noon eh. What happened ba?" sunod-sunod nitong sabi. I just stared at her, hindi alam ang isasagot. Mukhang napansin niya ang pagkailang ko kaya bigla siyang napatakip sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
To Capture His Heart
Roman d'amourShe and her bestfriend came up with a plan... and that is to capture his heart. Language : Filipino, English