Chapter 8

4.7K 163 7
                                    

My heart was beating so fast when I said that. Parang anytime, kakawala ang puso ko.

"Tomorrow?"

Hindi talaga ako mapakali. Paulit-ulit pa kasi eh!

"I mean you and the other two. Isasama ko rin si Ace. Kung hindi lang kayo busy." I said biting my nails.

Wala naman talaga sa plano ko ang ayain sila para bukas. Siya lang talaga kasi feeling ko nagalit siya sa akin. I just invited the others para lang hindi awkward. Mas okay na iyon.

Noong una, naisip kong hayaan lang siyang mag-inarte pero hindi naman ako masamang tao para gawin 'yon. Mabait naman iyang si Eero, mukha lang hindi.

"But it's your family, Amory. You should spend time with them without bringing friends over. Puwede naman tayong bumalik doon para mag bakasyon." pagtanggi niya sa alok ko.

Friends, huh?

"My point ka." I trailed off. Bakit ko nga naman sila isasama?

"Pero puwede naman kitang ihatid doon bukas kung gusto mo." he added.

"Sige kung okay lang."

"Anong oras ang alis mo?" he asked.

"Before lunch."

"Alright. Save my number." he said and I nodded na parang nakikita niya ang pagtango ko. I was about to hang up when I remembered something.

"Where did you get my number?" biglang tanong ko sa kaniya.

"Kay Tita mo." I face palmed when I heard him say that. Si Tita talaga napaka bugaw!

The night ended with us talking about random things. I just decided to end it dahil antok na antok na ako at kailangan ko pang mag paalam kay Ace.

I went outside my room and knock at her room. Binuksan niya at wala man lang bakas ng antok sa kaniya. Buhay na buhay pa siya at mukhang may kausap sa telepono. Sino naman kaya iyon?

"Mamaya nalang. Oo sige. Bye." tumingin sa akin si Ace pagkababa niya ng tawag, "Ano 'yon Amore?"

"Aalis ako bukas at Sunday pa ang balik ko. Order ka muna ng pagkain mo, a?"

Kahit naman siraulo ang isang 'to, ayaw ko naman siyang magutom. Konsensiya ko pa kung may mangyari rito.

She nodded, "Sus 'yon lang pala. Inistorbo mo pa ang tawag ko!" pagtataray niya.

Dahil sa mga ganiyan niya, minsan ang sarap niya talaga sapakin. Nakakagigil eh.

I pulled her hair jokingly making her flinch for a second, "Tigilan mo ako, a."

"Oo na senyorita. Sige na!" pagtataboy niya sa akin kaya agad na akong tumalikod bago pa ako tuluyang ma-bwiset sa kaniya.

I put my hair in a bun and took a half bath. Naglagay na rin ako ng skincare dahil inaantok na rin ako.

I was thinking the whole night whether to let my parents meet Eero or not. Hindi ko alam ang reaksyon nila at malamang si Mommy, iisipin nanaman niyang boyfriend ko ang isang 'yon. Napasubo ako, e.

Bahala na.

My ringtone woke me up. I grabbed my phone from the side table and answered it. Hindi ko na nakita kung sino ang caller dahil 'di ko pa gaanong mabukas ang aking mata.

"Oh?" inaantok kong sambit.

I pulled my comforter to cover me up. I'm still sleepy.

"Do you still have plans on going today?" Nagising ang diwa ko dahil sa boses ni Eero. Napabalikwas ako at tumingin sa orasan.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon