Chapter 31

7.2K 158 64
                                    

Takahiro went in.

"Si Zeero tulog?" tanong nito. He likes to call Emory, Zeero. Ang pinaglalaban niya, ayon daw ang first name kaya ayon ang itawag. Paladesisyon.

Tumango ako, "As usual."

Si Takahiro ay kasama ko rin simula no'ng bagong dating ko sa Japan. I was shocked to see him in the same house. Turns out, he's my cousin.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang siya nakilala bilang pinsan? Stupid.

Kaya pala parang komportable na ako sa kaniya kahit no'ng internship namin.

He said that he knows that I'm a Celeste no'ng internship palang. Celeste rin pala siya. This man had the nerve to not tell me anything. Hindi rin naman niya sinabi ang buong pangalan niya sa amin.

Kaya siya nawala no'ng after TR ay kailangan na raw siya ni Tita sa Bakery nila rito. Hindi na siya nag paalam sa akin dahil it might creep me out daw.

I was not close to Dad's side dahil magkaaway si Dad and Tita noon. Ang kuwento ni Tita, she's like 20 when she had Takahiro. Ang sabi lang niya kay Daddy ay bakasyon lang sa Japan pero ilang buwan hindi bumalik si Tita sa Pinas. No'ng sinundo ni Daddy, ayon buntis na. Nagkabati lang sila no'ng pumunta ako sa Japan years ago.

"May curry pa. Kumain ka na?" I asked him. Agad naman siyang umiling at pumunta sa kusina para kumain.

"Malapit ka nang umuwi sa Pilipinas, a? Uy, muling ibalik." pang-aasar niya sa akin habang kumukuha ng plato. Ang sarap isaksak sa baga niya itong walis tambo.

"Tanga. Gusto mo tapon ko 'yong pagkain mo?" pagbibiro ko. Tumawa naman siya at hindi na nagsalita. Mabuti naman.

He's very different in the kitchen. Akala ko tahimik siyang tao pero kapag nasa bahay napaka mapangasar. Pikon na pikon na nga ako.

"Itadakimasu!" he said then started eating.
(translation : Thanks for the food!)

Naalala ko pa no'ng sinabi niya sa akin na tinitignan lang daw niya ang reaksyon ni Eero no'ng tinawagan niya ako para sa bagong recipe kuno. Napaka siraulo 'di ba?

No'ng nag punta rin kami sa TR. Hiyang hiya raw siya no'n dahil hindi naman niya kakilala ang mga kasama. Akala mo naman talagang may hiya itong tangang 'to.

He kept on showing me he likes me to see Eero's reaction, again. Hindi ko nga alam kung effective dahil hindi ko naman napansin ang mga ginagawa nito.

Pero siya talaga ang pinaka naging kasama ko kapag mag aalaga kay Emory. Nagluluto siya ng masasarap na pagkain para sa anak ko palagi. Ayon, parang siya na ang paborito ni Emory.

"Punta tayo sa zoo bukas. Si Mama raw muna ang bahala sa bakery. Ilabas naman natin 'yong pamangkin ko." I snapped out of my thoughts dahil sa pag-aaya niya habang nag huhugas ng mga pinagkainan ni Emory.

Lumapit ako at binatukan siya, "Bakit kailangan pang pumunta sa zoo, e may unggoy naman na rito?"

Takahiro looked so offended. He even held his chest dramatically.

"Bastos ka, a!" sabi nito at akmang hahampasin ako ng kutsara. Napaiwas naman ako nang natatawa.

"Mama ni nanishiteruno?" a small voice made us stop. Emory's finally awake.
(translation : What are you doing to Mama?)

Naibaba naman ni Takahiro ang kutsara at nilapitan si Emory.

"Nani mo. Ojisan gomennasai." Takahiro said. Emory smiled and hugged him.
(translation : Nothing. Uncle's sorry.)

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon