Chapter 10

5.2K 137 50
                                    

Kumurap-kurap ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Buti nalang ay agad din akong nakabawi.

"Alam ko naman ang gagawin ko, Eero." sabi ko sa kaniya at tumayo na para ilagay ang pinagkainan sa sink. Sumunod naman siya sa akin dala rin ang kaniyang pinagkainan.

"I know. I just want you to be extra careful especially when I'm not around." he reminded.

Hindi ko na iyon sinagot pa at kinuha na ang gloves para magsimulang maghugas ngunit agad niya itong inagaw sa akin at isinuot ito.

"Ako na. Ikaw na ang nag luto kaya ako na ang maghuhugas. Pakiayos nalang 'yong mga binili ko. We'll watch a movie." utos niya.

Tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya nakikita dahil nagsimula na siyang mag hugas. I'm impressed that he knows how to do house chores.

Iniwan ko na siya roon at pumunta sa sala. Kinuha ko ang plastic na dala niya kanina at nilabas ang mga nasa loob nito.

"Bandaid?" bulong ko sa sarili ko. Para saan naman 'to? Para sa'kin ba? Ganon niya ba kaalam ang kakayahan ni Isabella para bumili ng bandaid kahit hindi niya pa sigurado kung nagalusan nga ba ako? Hmm... cool.

I also saw snacks inside the bag. Different kinds of junk foods. May nakita rin akong microwave popcorn so kinuha ko na iyon at pumuntang kusina para lutuin. I love cheese popcorn kaya laking pasasalamat ko nang may nakita akong leftover cheese powder sa ref. Naalala kong palagi kaming nagluluto ng fries ni Ace tuwing nag m-movie marathon kami.

I leaned on the countertop to see him wash the dishes. All I could see was his broad shoulder. He's wearing a black tshirt and pants.

"Hindi ka ba pumapasok sa opisina?" biglang tanong ko sa kaniya. He took a glance at me for a second before answering.

"Papasok talaga dapat ako kaso I haven't seen you for two days. One day of absence is nothing just for me to see you, Amory." he seriously said without looking at me.

I was dumbfounded. I didn't know he'd be this straightforward. Malandi ka, Eero.

Napansin kong malapit na siyang matapos kaya nanatili akong tahimik na pinagmamasdan ang microwave. Nang tumunog ay agad akong pumunta roon para kunin ang bag ng popcorn. I took a bowl sa lalagyanan na katabi ng sink kaya medyo napalapit ako kay Eero. Tinignan niya ako at nginitian pero hindi ko siya pinansin.

Nang matapos kong ihanda ang popcorn ay tapos na rin siya maghugas. Maayos na nakahilera ang mga kagamitan sa lalagyanan. He's so organized!

Pumunta ako sa may bintana namin. It was so big and you could see all the other buildings and the cars passing by. I closed the blinds to make the living room darker. I sat on the couch and waited for him. I turned on my tv and switched it to Netflix.

"Ano gusto mong panoorin?" tanong ko sa kaniya when he sat beside me. I scooted a little when I felt his slacks brushed against my pajama.

"Kahit ano." he replied.

We ended up watching The Kissing Booth. Wala siyang choice dahil sinabi niyang kahit ano raw. We also watched The Kissing Booth 2.

The movie is for teens. 'Di ko alam kung paano natapos iyon ni Eero. I enjoyed it, though. But I heard most of the viewers didn't like this movie. Guwapo 'yong bida. Sa 2 naman ay gusto ko 'yong second lead. I really like moreno guys.

To Capture His Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon